Hulog ng langit kung ituring ng mga estudyante ang gurong si Noel Sales mula sa Lipa City, Batangas dahil sa pagtulong niya sa mga ito lalo na pagdating sa mga bayarin sa eskwela.
Mula sa mga kulang na pambayad sa tution hanggang sa mga load na kailangan ng mga mag-aaral para sa kanilang mga online classes, si Sir Noel ang palagi nilang tinatakbuhan.
Isang assistant professor sa University of Batangas, ang propesor na si sir Noel ay naglunsad ng proyektong load allowance mula pa noong kasagsagan ng pandemya.
"Noong nagsisimula pa lang ang pandemic, lahat ay hirap. Madami ang nawalan ng trabaho at mapagkakakitaan, isa iyong pamilya ko doon. Kaya naging malaking tulong ang weekly load allowance mula kay Sir Noel," pahayag ng isang estudyanteng natulungan nito.
Noel Sales | Facebook
Noel Sales | Facebook
Nagumpisa ang lahat ng makatanggap ng text ang 32-anyos na guro mula sa kanyang estudyante. Sabi nito ay hindi na siya makakakuha ng pagsusulit dahil nawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang at mas pinili na lang daw nilang gastusin ang natitirang pera para sa pagkain.
Dahil sa busilak na kalooban, sinagot nito ang kada-linggong load allowance ng mag-aaral mula sa kanyang sariling bulsa hanggang sa umabot ang bilang ng kanyang tinutulungan sa 12-15 na mga estudyante.
Noel Sales | Facebook
Noel Sales | Facebook
Sa kagustuhang nito na mas marami pang nangangailangan ang kanyang matulungan. Dumulog si Prof Sales sa kanyang mga kaibigan hanggang sa makalikom ito ng P220,000 halaga ng mga donasyon.
Maliban sa University of Batangas, nakaabot na rin ang kanyang tulong sa iba pang mga paaralan ng lungsod hanggang sa mga eskwelahan sa Quezon, Pampanga at Bulacan na halos 150 na estudyante rin ang nakinabang.
Noel Sales | Facebook
Noel Sales | Facebook
Maliban sa load allowance, naglungsad din ito ng financial assistance project noong August 2021 para naman sa mga deserving graduating students na hirap bayaran ang kanilang mga balanse sa eskwelahan.
Nagsimula ang ideya nang manghiram ng pera sa kanya ang isa niyang working student. Hindi aniya ito makakagraduate hanggat hindi nababayaran ang kanyang kakulangang bayarin sa paaralan.
Nagdonate ang propesor na si Sir Sales ng P4,000 at ang kakulangan naman ay sinagot ng kanyang kaibigan.
Noel Sales | Facebook
Noel Sales | Facebook
Source: goodnewspilipinas.com