Nakagawian na sa mga eskwelahan lalo na sa mga public schools ang manghingi sa kanilang mga estudyante ng kagamitan o pangangailan na gagamitin sa paaralan.
Photo credit: Cindy Apaap
Minsan ito ay ginagawa ring project ng mga guro sa tuwing may kulang sa grado o bagsak ang isang estudyante.
Ngunit kailanman ay hindi dapat ito maging batayan upang ipasa o ibagsak ang mga mag-aaral dahil hindi lahat ng magulang ay mayroong pera upang ibigay ang hinihingi ng mga guro.
Katulad na lamang ng isang estudyante na binura ang grado at ibinagsak ng kanyang guro dahil lamang sa hindi ito nakapagbigay ng project na isang galon na pintura.
Photo credit: Cindy Apaap
In-upload ni Cindy Apaap ang report card ng kanyang anak na agad namang nag-viral sa social media.
Aniya, binigyan na raw ng pasadong grado ang kanyang anak ngunit dahil hindi raw naibigay ang hinihinging project ay binura at ibinagsak ang estudyante.
Dahil dito ay hindi nakapasok bilang grade 6 ang nasabing estudyante at hindi rin nila makuha ang card mula sa guro.
Ang inirereklamong guro ay nagtuturo umano sa isang public school sa Brgy. Lapasan, Cagayan de Oro City.
Photo credit: Cindy Apaap
Photo credit: Cindy Apaap
Samantala, kinumpirma ng principal ng East Central School ng Brgy. Lapasan ang tungkol sa report card.
Kinausap na raw ng principal ang nasabing guro upang mahingi ang paliwanag nito.
Ayon sa guro, hindi raw nagpapasa ng modules ang estudyante at hindi rin daw makausap o ma-kontak ang mga magulang nito upang ipaalam ang performance ng kanilang anak.
Ito ang naging dahilan kung bakit bumagsak ang estudyante.
Photo credit: Cindy Apaap
Photo credit to the owner
Ayon naman kay Cindy, matatanggap sana nila ang sinasabi ng guro kung hindi burado o madumi ang report card.
Paliwanag ng principal, nagkaroon raw ng maraming erasures ang report card dahil nagkamali ng kopya ang guro. Grade raw ng ibang estudyante ang nailagay sa card.
Dagdag pa ng principal, wala rin daw extra report card ang guro kaya binura na lamang niya ang mga maling grado.
***