Larawan mula sa Alchetron |
Si Francisco Bustillos Diaz Sr. o nakilala sa pangalang Paquito Diaz ay ipinanganak noong May 28, 1937 sa Arayat, Pampanga at ang kanyang mga magulang ay sina Maria Bustillos at Silvino Diaz na isang Mexican American.
Si Paquito ay ama ng isa ring magaling at matipuno na action star na si Joko Diaz na talaga namang namana nito sa kanyang ama ang talento pagdating sa pag-arte sa telebisyon.
Naging tanyag ang pangalan ni Paquito Diaz sa larangan ng showbiz dahil siya ang madalas maging kontrabida sa mga pelikula ng malapit niyang kaibigan na si Fernando Poe Jr.
Larawan mula sa Philstar |
Larawan mula sa Philippine Digest |
Tila nga naman bentang-benta sa mga manunuod ang astigin at kuwela na datingan ni Paquito sa kanyang mga lumabas na pelikula.
Bukod pa sa kanyang galing pagdating sa pagiging kontrabida ay hinangaan din siya sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa kung kaya naman naging tuloy-tuloy ang kanyang karera sa pag-aartista.
Ngunit ang hindi alam ng karamihan ay bago pasukin ni Paquito ang mundo ng showbiz ay naging basketball player muna siya ng FEU Tamaraw noong dekada singkwenta kung saan nagwagi sila ng tatlong magkakasunod na kampeonato.
Larawan mula sa Pinterest |
Larawan mula sa Pinterest |
Sa pagiging aktibo sa paglalaro ng basketball ni Paquito ay dito naman niya nakilala ang kanyang teamna si Sergio Santiago na isa palang direktor at producer ng pelikula.
Dito ay binigyan siya ng maliit na role sa pelikulang pinamagatang 'Mr. Basketball' na pinagbidahan naman ni Bob Soler, at kahit na maliit na role lamang ang kanyang ginampanan doon ay agad siyang nakitaan ng natural na talento sa pag-arte.
Dito na nag-umpisa ang kanyang karera sa industriya ng showbiz at unti-unting iniwan ni Paquito Diaz ang pag-lalaro ng basketball upang harapin ang kanyang tadhana sa pag-arte.
Larawan mula sa Tunay na Buhay |
Larawan mula sa Tunay na Buhay |
Dahil sa angkin talento nito ay agad tumatak sa isipan ng mga Filipino ang pangalan ni Paquito bilang numero unong kontrabida sa mga pelikula.
Nungit sa kabila ng kanyang mukha sa showbiz ay ang hindi alam ng mga tao ay si Paquito ay isang mabait, matulungin sa mga mahihirap, responsableng asawa't ama at mabuting kaibigan sa totoong buhay.
Lumipas ang panahon, sa hindi inaasahang pangyayari ay biglang nagkaroon ng karamdaman si Paquito at dito na nga nag-umpisang bumagsak ang kanyang karera sa showbiz.
Madami ang nagulat ng makita nila si Paquito na biglang bumagsak ang kanyang matipunong katawan dahil sobra ang pagpayat nito at nangangalo mata.
Larawan mula sa PEP |
Larawan mula sa PEP |
Malayong-malayo sa matipuno niyang pangangantawan noong siya pa ay aktibo sa showbiz.
Dahil dito ay naubos na ang kanyang ipon kung kaya naman napagpasyahan nila ng kanyang asawa na ibenta na ang kanilang bahay at lupa pati na ang kanilang natitirang kotse.
Sa kabila ng kanyang pakikipaglaban sa kanyang karamdaman ay hindi na rin kinaya ng kanyang katawan at unti-unti na nga itong nanghina.
March 3, 2011 sa edad na 78 ay tuluyan na ngang namaalam ang batikang aktor na si Paquito Diaz.
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.