Gangster pala siya sa tunay na buhay! Ano nga ba ang totoong nangyari kay Max Alvarado? Alamin dito.. - The Daily Sentry


Gangster pala siya sa tunay na buhay! Ano nga ba ang totoong nangyari kay Max Alvarado? Alamin dito..



Larawan mula sa Pinterest

Si Gavino Maximo Teodosio o nakilala sa pangalan bilang Max Alvarado, ay maituturing na isang beteranong aktor sa larangan ng pag-aartista at nakilala siya sa madalas na pagganap nito bilang isang kontrabida ng mga pelikula.


Si Max Alvarado ay ipinanganak sa Maynila noong Pebrero 19, 1929. Ang kanyang magulang ay sina Gonzalo Teodosio at Maria Maximo.


Nagkaroon si Max ng pitong anak sa kanyang mahal na asawa na si Ester Hugo at ang hindi alam ng marami sa pagkatao niya ay bago pa man nito pasukin ang mundo ng showbiz ay naging kilabot na g4ngster muna siya sa Maynila, partikular sa Quiapo.

Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Ayon sa balita, maraming kaibigan itong si Max at mataas ang respeto't paghanga nila sa kanya dahil bukod sa matapang at matipuno ang pangangatawan ay malakas din ang loob ni Max at wala siyang inaatrasan kahit na sino man basta nasa tama siya.


Marami rin siyang tropa dahil marunong siyang makinig at magpayo sa mga ito, sa katunayan nga ay siya pa mismo ang kumikilos upang gumawa ng paraan nang sa ganun ay malutas ang problema ng kaibigan.


Ang hindi pa alam ng marami ay noong taong 1949 ay naging isang jeepney driver din si Max Alvarado na byaheng Quiapo hanggang Paco Manila.

Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Bukod sa pagiging jeepney driver ni Max Alvarado ay isa din pala siyang magaling na mananayaw at sa katunayan nga ay isa siyang dance instructor sa isang dancing school sa Quiapo.


Dahil sa kanyang ibat-ibang diskarte sa buhay ay nakilala niya ang ilang producer at dahil sa kanyang magandang tindig ay dito na nga siya inalok na pasukin ang pag-aartista.


Dito na nga nag-umpisa ang kanyang karera sa mundo ng showbiz at dahil marami ang napahanga sa kanyang kakaibigang atake ng pag-arte na gumagalaw ang buo nitong katawan habang bumibitaw ng kanyang linya sa harap ng kamera na talaga namang tinangkilik at minahal ng kanyang mga taga hanga.

Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Lubos naman siyang hinangaan noong minsang may eksena at aksid3nte itong nahulog sa sinasakyang kabayo at nagkaroon ng bale ang kanyang braso ngunit imbis na magpagaling muna ay itinuloy niya ang eksena kung kaya bumilid si Fernando Poe Jr. sa kanyang pagiging propesyonal sa harap ng kamera kung kaya naman dito na nagsimula ang mabuting pagkakaibigan ng dalawa.


Si Max Alvarado ay kilala hindi lamang sa mga matatanda kundi pati sa mga bata noong minsan na ginampanan niya ang karakter na si Lizardo sa pelikulang Panday na pinagbidahan naman ni Da King FPJ.


Dahil si Max ay laki sa hirap, marunong itong hawakan ang kanyang pera kung kaya nakaipon ito na pera at nakapundar ng ilang bahay at lupa, napagtapos din niya sa pagaaral ang kanyang mga anak.


Nagretiro si Max sa pag-aartista na maganda ang buhay subalit ang lahat ng bagay dito sa mundo ay may katapusan, ika nga ay "Walang Forever".


Noong April 6, 1997 ay nagpaalam na nga ang beteranong aktor sa edad na 67 dahil inatake ito sa puso.

Larawan mula sa Pinterest

Larawan mula sa Pinterest

Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino. 


***