Nahabag ang marami sa viral video na inupload ng isang netizen, kuha ang isang foreigner na naaktuhang naglalako ng kanyang mga panindang turon at lumpia.
Sa pag-uusisa ng uploader na si James, napag-alaman nilang taga-England ang banyagang si Paul na naabutan na ng lockdown dito sa bansa, hanggang umabot na umano sa puntong naubusan na siya ng pera kaya humanap ng siya kaunting mapagkakakitaan para makaraos sa pang araw-araw.
Ayon pa sa video, dahil na rin sa kawalan hindi na niya nagawa pang makabalik sa kanilang bansa, hanggang inabutan na ng pagkakawalang bisa ng kanyang hawak na mga dokumento. Nakapangasawa rin umano siya ng isang pinya at may dalawa na silang anak at nakatira sila malapit lang sa dagat.
Siya na rin mismo umano ang nagluluto ng kanyang mga inilalakong mga paninda, sa halagang tig P5.00 ang isa dahil aniya'y 'no choice, bankcrupt' kaya kahit bihirang nakakaintindi ng wikang pinoy at salitang bisaya ay matiyaga siya sa pagbebenta hanggang maubos ang mga ito.
Nais lang rin ni James na kuhanan siya ng video upang sana'y makarating ito kay Sen. Raffy Tulfo at matulungan upang sa ganon ay makabalik na ito sa England.
"I will interview you, so I will send this to Raffy Tulfo so you can go home to your country. He can help you," saad ni James.
Nahihiya rin umano si Paul na manghihingi sa ibang tao, kaya ayaw din niyang lumapit kay Sen. Tulfo. Ngunit ipinilit ng uploader na maari silang makahingi ng assistance sa senador bilang kilala ito na handang umalalay sa mga kagaya niyang wala ng kakayahang makabalik sa kanilang bansa.
"I wanna go home,"
"Bankcrupt, No Visa, No passport since 2019. Raffy Tulfo, help me if you can so I can go back home," pakiusap ni Paul
***
Source: DUMAGUETENOS
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!