Larawan mula sa Larawan mula NCCA |
Si Allan Fernando Reyes Poe o mas kilala bilang Fernando Poe Sr. ay ipinanganak noong November 22, 1916. Isa siya sa naging haligi ng pelikulang Pilipino at isa rin sa mga tinitingala noong nag-uumpisa pa lamang ang bansa sa paggawa ng mga pelikula.
Kung ang kanyang anak na si Fernando Poe Jr. ay nakilala bilang 'King of Philippine Movies', si Fernando Poe Sr. naman ay kinilala sa pangalang 'King of all stars'.
Si Fernando Poe Sr. ay kilala rin sa pangalang 'Nanding' sa totoong buhay. Siya ay nakapagtapos ng high school at kumukuha ng kursong bachelor of science in chemistry sa kursong dentistry sa paaralan ng University of the Philippines.
Larawan mula sa esquiremag |
Larawan mula sa esquiremag |
Taong 1936 noong una siyang makita sa telebisyon bilang artista, dahil natapos naman niya ang kanyang kursong Chemist ay pinagsasabay nito ang pag-arte at pagtatrabaho bilang isang Chemist.
Habang abala sa pagtatrabaho ay gumaganap pa rin ito bilang artista, taong 1937 ay biglang nakilala ang kanyang pangalan matapos makagawa ng isang pelikula kasama ang artistang si Rosa Del Rosario, isa sa pinaka sikat na artistang babae noong mga panahon na iyon.
Dahil sa matagumpay na pelikula na kanyang ginampanan ay nagsimula na siyang nakilala at unti-unting umangat ang kanyang karera sa mundo ng showbiz.
Ngunit ang hindi alam ng marami ay isa palang bayani ng bansan si Fernando Poe Sr. dahil noong mga panahong nais sakupin ng mga hapon ang ating bansa ay kusa siyang nagpalista upang mapabilang sa mga sundalo na magtatanggol sa mamamayan ng Pilipinas.
Larawan mula sa esquiremag |
Larawan mula sa esquiremag |
Nag-umpisa bilang isang first lieutenant ang matandang Poe, hindi nagtagal ay nakitaan siya ng tapang at puso upang ipagtanggol ang bansa mula sa mga mananakop na hapon.
Dahil dito ay itinaas ang kanyang ranggo at naging lider siya ng isang platon upang tulungan ang mga mamamayan sa lugar ng Bataan na noon ay kasalukuyang sinasakop ng mga hapon.
Ngunit sa tatlong buwan na pagtatanggol ay nasakop na nga ng mga hapon ang lugar ng Bataan at napasama si Fernando Poe sa mga b1hag.
Masuwerte naman siyang pinalaya matapos malaman na isa pala siyang sikat na artista kung kaya pinakawalan siya sa kundisyon na sumunod siya sa patakaran ng mga ito.
Lumipas ang ilang buwan ay naisipan ni Fernando Poe na magretiro na lamang sa pagiging sundalo upang mamuhay ng tahimik kasama ang kanyang asawa at tatlong mga anak.
Larawan mula sa esquiremag |
Larawan mula sa esquiremag |
Hindi nagtagal ay binalikan ni Fernando Poe ang kanyang karera sa showbiz at sunod-sunuod na nga kanyang nagawang pelikula noon.
Sa hindi inaasahan ay nagkaroon ng karamd4man si Fernando, ipitingin niya ito sa mga specialista ngunit hindi umobra ang mga gamot na ibinigay sa kanya hindi nagtagal ay lalong lumalala ang kanyang nararamdaman.
Huli na ng malaman na nakagat pala ng isang tuta si Poe at hindi naman nila akalain na ito pala ang dahilan ng kanyang iniinda sa katawan.
Noong taong october 23, 1951 sa edad na 35 lamang ay tuluyan nang namaalam si Fernando Sr. dahil sa rabst ng aso.
Ang maagang pamamaalam ni Fernando Poe Sr. ay malaking kawalan sa industriya ng pelikulang Pilipino, ngunit ang kanyang sinimulan ay ipinagpatuloy ng kanyang anak na si Fernando Poe Jr.
***