Ang pagiging kapos sa pera ay hindi hadlang upang hindi makapag-aral ng maayos — at isa nga si Dino Dominic Ligutan ng Calamba, Laguna sa mga buhay na patunay nito.
Gamit ang 15 pesos lamang na allowance araw-araw para sa kanyang pagkain habang nagrereview para sa board exam, pilit pinagkasya ni Dino ang kanyang kakarampot na baon.
Subalit ang mapait na karanasan na ito ng binata ay sinuklian ng Dyos ng napakatamis na tagumpay, nang kalaunan ay naging Topnotcher sya, hindi lamang isang beses kundi dalawang beses pa.
Itinuturing ni Dino ang kanyang sarili bilang isang simpleng estudyante, hindi kagalingan pero hindi rin naman kahinaan pagdating sa klase. Basta- basta lang daw siyang nagpapasa ng mga requirements sa klase at kapag naman may libreng oras ay naglalaro lamang siya ng computer games.
Recognition Day noong 2nd year high school si Dino nang magsimula siyang magbago, matapos niyang masaksihan ang mga magulang ng kaniyang kaklase na proud na proud sa kanilang mga anak na nakatanggap ng mga parangal.
Isa ang Ina ni Dino sa mga dulo sa regonition day nila at napansin niya ang reaksyon ng anak sa hindi pagkakaroon ng medalya at ang mga sumunod na sinabi nito ang nagpabago ng buhay ni Dino.
“Okay lang yan anak, ang mahalaga nakapasa ka”, sambit ng Ina niya.
Dahil dito naramdaman ni Dino na tila nadismaya niya ang kanyang mga magulang, kaya naman sinimulan niyang pagbutihin ang kanyang pag-aaral.
Third year high school naman si Dino nang bumagsak siya sa isang exam na naging dahilan niya para kunin ang kursong Electronics Techonology para sa kaniyang TLE subject.
Dito ay nadiskubre niya ang kanyang galing pagdating sa asignaturang matematika at agham na naging pundasyon niya para kunin ang kursong Electronics Engineering sa kolehiyo.
“We cannot truly grow if we have not tasted the setbacks of failure” saad niya.
Sa huli ay nagtapos si Dino sa De La Salle University – Laguna Campus bilang Magna Cum Laude at dagdag pa rito ang pagiging Top 1 niya sa Electronics Engineering Board Exam na may passing rate na 94.40%.
Pumangalawa naman siya sa Electronics Technician Board Exam na may passing rate na 94.00%.
Ani Dino, childhood dream niya ang maging Electronics Engineer at inspirasyon niya sa pag-aaral ang kanyang mga magulang na nagtatrabaho sa ibang bansa para makapag-aral lamang siya sa isang prestihiyosong paaralan.
“My parents were very supportive of my decision to take up engineering and that’s when I decided that I’ll do my best, get through all the struggles that engineering studies may bring and make them proud.”
Payo naman niya sa mga Engineering students, “Be inquisitive! Enjoy what you are learning and let yourself be amazed by the wonders of engineering and then everything else will follow and eventually you’ll find yourself feeling great being able to use your acquired skills and knowledge into something practical and useful.”
Ibinahagi rin niya ang hirap na kaniyang pinagdaan habang nagrereview para sa board exam dahil limitado lamang ang kaniyang allowance at kaylangan niya itong i-budget.
“To achieve that, as much as possible I bought food that just costs me as low as 15 pesos per meal during the first three months and settled on borrowing books from my colleagues instead of buying a new one.”
Nirerekomenda naman niya sa mga kukuha ng board exam na mag-enroll sa isang review center.
“I realized that it is one of the major factors that will help you truly pass the board exam and even better land you in a top position. They will help you narrow down the topics that you need to study, will give you the best materials and most importantly, the encouragement to keep going.”
Ang pagsusumikap, pagtitiis at paghihirap ni Dino ay nagbunga rin naman sa bandang huli at ngayo’y natupad na ang dating pangarap lamang niya, ang matawag na Engr. Dino Dominic Ligutan.
Magsilbi sanang inspirasyon ang kwento ni Dino, hindi lamang para sa mga engineering students kundi para na din sa lahat ng mga mag-aaral, na ang pagiging salat o kapos sa pera ay hindi hadlang para hindi tayo makapagtapos ng pag-aaral at maging matagumpay sa buhay.