Photo from FB | CTTO |
Mainit na usapan ngayon online ang pagkapanalo ng isang estudyante sa Cebu City ng P1,000,000 worth of Bitcoin sa kanyang crypto wallet sa Maya app.
Kumalat sa buong bansa ang billboard kung saan nakasulat ang pangalan ng winner na si Reinzel C. na pinapayuhang i-check ang kanyang crypto wallet.
Photo by NFT Pod FB | CTTO |
Matapos usisain kung papaano siya nagwagi ng ganoon kalaking halaga, nabanggit ni Reinzel na isa siyang loyal user ng money app. Ibinahagi din niya na ginamit niya ang kanyang account sa pag-order ng pagkain online.
“Hindi ako sumali sa kahit na anong contest o promo. Pero ilang araw bago lumitaw ang mga billboard, naaalala kong ginamit ko ang Maya mobile number ko sa pagbabayad ng order ko sa McDo,” ani ni Reinzel.
Marami-rami na rin ang nawindang matapos silang makatanggap ng libreng Bitcoin mula sa Maya.
Nitong nagdaang Abril, inilunsad ng Maya (dating PayMaya) ang Crypto feature nito. Gamit ang app, maari kang bumili, magbenta, at humawak ang mga user ng cryptocurrencies sa halagang kasing baba ng piso. Mayroon din itong lisensya ng Virtual Asset Service Provider (VASP) mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kaya’t secure ang pagbili at pagbenta ng crypto assets sa Maya app. Ang bitcoin ay kabilang sa mga cryptocurrencies na na-trade sa pamamagitan ng tampok na Crypto feature ng Maya.
Source: 1