Dekada 90 nang mamayagpag at unang makilala si Eric Fructuoso sa industriya. 1992 noon nang i-launch ang grupo niyang "Gwapings" kasama sina Jomari Yllana at Mark Anthony Fernandez.
Matikas at aktibo pa rin sa larangan ng showbiz ang 46-anyos na si Eric ngunit aminado ito na naubusan siya noong kasagsagan ng pandemya taong 2020.
Ibinahagi ni Frederick Magdaluyo Fructuoso ang kanyang naging karanasan sa isang eksklusibong panayam kay Ogie Diaz.
Aminado ang aktor na naubusan siya ng pera noon dahil sa kawalan ng proyekto at tuluyang namroblema kung papaano makapagbibigay ng sustento at tustusan ang pangangailangan ng kaniyang limang anak.
Matatandaang nag-viral pa nga ito dahil sa larawang kumalat kung saan nakasakay siya sa isang tricyle at may katagang,
Ogie Diaz | YouTube
Ogie Diaz | YouTube
"Times like these hindi pwedeng kaartehan ang paiiralin! Basta ligal na pagkakakitaan para sa mga anak, tirahin lang ng tirahin!"
Dahil sa pag-aakala ng kanya umanong kumpare na totoo ang mga kumalat na larawan at ito ang paraan ni Eric para kumita ay binigyan niya ito ng P20,000.
Hindi niya ito tinanggap at sinabing ang larawan ay para lang magbigay ng inspirasyon para sa mga kagaya niyang may pinagdadaanan sa buhay.
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Gayunpaman, pinilit pa rin nitong iabot ang pera bilang tulong na rin sa aktor.
Matapos matanggap ay ibinigay kaagad ni Eric ang P10,000 sa nanay ng kanyang mga anak at P5,000 naman para sa kanyang mommy kung saan siya nakikitira nang mga panahong iyon.
Dito na nagdesisyon ang gwapings member na mag negosyo at palaguin ang natitira niyang P5,000 libong piso.
"Ito na lang ang pera ko, papaikutin ko 'to, ti-triplehin ko 'to give me 1 year." Ani Eric.
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Mula sa natirang P5,000 piso, sinimulan ni Eric ang pagtitinda ng sumbrero, t-shirts, hoodies at ilang mga motorcycle supplies hanggang sa makapagpatayo ito ng sarili niyang shop na pinangalanan niyang "Gwapings Moto".
Sa unang 2 buwan pa lang ay umabot na raw sa 6 figures ang kita nito. Kaya bukod sa motor shop ay naisakatuparan na rin ni Eric ang kanyang pinapangarap na food business.
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
January 2021, binuksan nito ang kainan na "Gwapigs Porkchop." Tuloy-tuloy nitong pinagulong ang mga kita at itinayo ang kanyang mga negosyo sa iba't ibang lugar.
Payo nito sa mga determinadong pasukin ang mundo ng pagnenegosyo,
Maraming haharang at susupalpal sayo, maraming beses ka ring masasaktan. Pero hindi importante kung ilang beses kang bumagsak, ang importante ay kung ilang beses ka muling babangon.
Frederick Magdaluyo Fructuoso | Facebook
Source: Ogie Diaz | YouTube