Ngayong linggo nagsimula ang face-to-face classes matapos ang mahigit dalawang taon na pananatili ng mga estudyante sa kani-kanilang tahanan.
Photo credit: Ta Ta / Facebook
Maraming pangyayari ang hinarap ng mga estudyante at mga magulang sa unang linggo ng balik eskwela.
Kung mayroong mga hindi kaaya-ayang pangyayari na kumalat sa social media, mayroon din namang mga nakaka-good vibes.
Isa na dito ang post ng netizen na si Ta Ta sa Facebook group na “Homepaslupa Buddies 3.0”, kung saan in-upload nito ang drawing ng kanyang anak.
Photo credit: Ta Ta / Facebook
Kwento ni Ta Ta, isinend raw ng guro ng kanyang anak ang drawing sa kanilang group chat o GC.
Noong una ay tawa raw ng tawa si Ta Ta dahil iba ang kanyang nasa isip, pero nang malaman na drawing ito ng kanyang anak, kaagad niya itong tinanong.
Ayon sa kanyang anak na si Maiara, pinadrawing raw sa kanila ni teacher ang favorite pet nila.
“Maiara: sabi ni Ma'am magdrawing kami ng pinakagusto naming pet.”
“Me: (kinabahan ako sa pet ) So, what's this?”
“Maiara: DOG! Bakit?” sagot ng anak ni Ta Ta.
Dito na raw nakahinga ng maayos si Ta Ta.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Umani naman ng maraming reactions mula sa mga netizens ang nasabing post. Sa ngayon ay mayroon na itong 28k reactions at 1.6k comments.
Narito ang buong post:
“Maiara's first day of school.
Her teacher sent this to our GC. Tawa pa'ko ng tawa kasi iba nakikita ko. Just for me to discover na drawing pala toh ng anak ko.
Me: bakit ganito drawing mo?
Maiara: sabi ni Ma'am magdrawing kami ng pinakagusto naming pet.
Me: (kinabahan ako sa pet ) So, what's this?
Maiara: DOG! Bakit?
Me: ah. Ok. Dog.
Nakahinga ako.”
***
Source: Ta Ta | Facebook