Matapos mag-viral sa social media ang post ng netizen na si Jeannie Vargas kung saan sinabihan umano ng “hayop” at “bob0” ang kanyang pamangkin ng isang guro, nagbigay na ng pahayag ang Department of Education (DepEd) patungkol dito.
Photo credit to the owner
Nangako ang DepEd na aaksyunan nila ang ilang kaso ng diumano’y pagmamalupit ng mga guro sa kanilang estudyante.
Ayon kay Vargas, ayaw na raw pumasok ng kanyang grade 5 student na pamangkin dahil natatakot na ito sa kanyang guro.
Sa pahayag ni DepEd spokesperson Micheal Poa, mayroong 72 oras ang head ng eskwelahan para magpasa ng incident report at maparusahan ang nasabing guro sa Camarines Norte.
Photo credit: Jeannie Vargas
Photo credit to the owner
Dagdag pa, nakausap narin daw nila sila Vargas at nangako na hinding-hindi nila palalagpasin ang ginawa ng guro.
“The teacher po will be subjected to administrative proceedings in accordance with our rules. The Department of Education takes these incidents very seriously,” ani Poa.
Maaari namang mawalan ng lisensya ang guro sa pagtuturo sa oras na mapatunayang totoo ang ginawa niya sa kanyang estudyante.
“Of course kailangan natin tingnan muna yung explanation ng guro, pero definitely po, that’s definitely misconduct on the part of a teacher kung totoo yung nangyari.” sabi ni Poa.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
“Well we’ll see ‘no, ayokong pangunahan po yung mga penalties na ipapataw kung sakaling makitang accountable po talaga yung guro, but obviously the worst-case scenario is dismissal.” dagdag nito.
Magbibigay din sila ng tulong sa bata upang bumalik ang tiwala nito sa mga guro at makapagpatuloy sa kanyang pag-aaral.
“Psychological first aid was immediately given to the learner, by trained personnel from the school health section. Psychosocial status of the learner will be monitored,” aniya.
Nanawagan naman si Poa sa mga magulang na maaari silang humingi ng tulong sa Child Protection Unit ng Department of Education kung sakaling may reklamo sila tungkol sa mga guro.
***
Source: Daily BNC News