Delivery rider na 16 hrs a day nagtatrabaho para sa pamilya, laking gulat nang malamang hindi kanya ang bunsong anak nila ng misis nya - The Daily Sentry


Delivery rider na 16 hrs a day nagtatrabaho para sa pamilya, laking gulat nang malamang hindi kanya ang bunsong anak nila ng misis nya




Wala na atang mas hihigit pa sa masaklap na sinapit ng delivery rider na ito na nagpapakahirap kumayod sa loob ng labing-anim na oras araw-araw para lamang matustusan ang mga pangangailangan ng kaniyang pamilya, ngunit nakuha pa ring lokohin ng kanyang misis. 


Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang kaawa-awang lalaki matapos nyang malaman na may kabit ang kanyang asawa. Ang mas masakit pa dito ay napagtanto rin nya na hindi pala sya ang tunay na ama nang kanilang bunsong anak.


Ang 27 taong gulang na rider ay magsasampung taon nang kasal sa kanyang 29 taong gulang na may bahay at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak.



Laking gulat ng mister nang malaman niya na ang bago nilang panganak na supling ay hindi nya kadugo at ng kanyang asawa, ngunit nawala din naman ang kanyang pagdududa ng sabihin ng doktor na maaari itong mangyari.


Subalit tila talagang mapaglaro ang tadhana nang kalaunan ay malaman nya na ang ngayo’y sampung buwan nang sanggol ay hindi talaga niya anak.


Sa pahayag ng lalaki sa isang ulat ay isinaad nya na nito lamang March ay nalaman niyang maaga laging umaalis ng bahay ang kaniyang misis at gabi na ito kung umuwi, at noon namang buwan ng Mayo ay nakita niya ang kaniyang asawa na may kayakap na ibang lalaki.


Sa pangyayaring ito ay nagmungkahi ang isang kamag-anak ng rider na magsagawa siya ng paternity test sa kanyang bunsong anak at dito na nga niya nalaman ang katotohanang hindi sya ang ama ng bata.


Labis syang nasaktan sa pagtataksil ng asawa sapagkat labing-anim na oras siyang nagtatrabaho araw-araw mula 10 am hanggang 2 am para lamang masuportahan at mabigyan ng magandang pamumuhay ang kaniyang pamilya.


Ang sahod niya ay umaabot ng $6,000 - $7,000 buwan-buwan at ang halos $5,000 ng kanyang kita ay binibigay niya sa kanyang asawa at ang natitira namang pera ay ibinibili nya ng pagkain, gasolina, sigarilyo at paminsan-minsan niyang pangtaya sa lotto.



Sinabi rin niya na kumuha siya nang kasambahay para sa kanilang pamilya at nito lamang nakaraang taon ay nagbayad siya ng mahigit $80,000 para sa isang segunda - manong seven-seater na sasakyan upang mas mapadali ang paghahatid ng kaniyang asawa sa kanilang mga anak papuntang paaralan.


Dagdag pa nya, “My wife works in accounts. She’s in charge of the expenses at home as well as the housing and car loan repayments. I love and trust her a lot. I give her all my money and hardly have any savings.”


Sa isa pang panayam sa kanya, ibinahagi nyang nagtungo siya sa ibang bansa nitong nakaraang buwan upang asikasuhin ang ilang mga bagay, nang makatanggap siya ng mensahe mula sa kanyang kasambahay na mayroon daw isang lalaking natutulog tuwing gabi sa kanilang bahay.


Matapos magkabunyagan, agad na humingi nang divorce ang kanyang  misis gayon na rin ang custody para sa tatlo nilang anak.


“She complained to me before that I was always working and didn’t spend time with her and that it was like not having a husband at all. But, we have three children and a housing loan, I told her I want to give her and the kids a good life. I thought she would understand. However, things turned out like this.”


Aniya, kahit daw hindi siya ang tunay na ama ng kanilang bunsong anak ay mahal niya pa rin ito.


“In the last month, my wife didn’t really take care of him. I would be the one cradling him, feeding him milk, and soothing him in the middle of the night. That’s why our bond is especially strong. If my wife insists on leaving, I’m willing to raise the three children.” paliwanag nya.


Ang lalaki ay kinilalang si Lin na nagmula sa Singapore.