Larawan mula sa Yukari Oshima |
Ating kilalanin at ating balikan ang dating sikat na artista na at kilala bilang isang magaling na martial artist na si Yukari Oshima o mas nakilala sa pangalang Cynthia Luster.
Maraming nagtatanong kung nasaan na kaya siya at kung ano na ang nangyari sa kanyang buhay ngayon matapos niyang iwan ang mundo ng showbiz.
Noong panahon ng dekada nobenta (90's), dahil hindi pa makabago ang teknolohiya at wala pang mga gadgets, ang isa sa pangunahing libangan ng mga tao at kabataan ay pakikinig ng radyo, pagbabasa ng dyaryo at panunuod ng telebisyon.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Taong 90's nga ay naging papular ang action team asia na palabas kung saan sumikat sila Bruce Lee, Jackie Chan at Jet Lee sa mga pelikula na may kasamang martial arts at Kung Fu.
Dahil sa kanilang kasikatan ay madami ang kanilang naging taga-hanga at ang iba ay naging inspirasyon sila upang subukan ang mundo ng showbiz industry.
Si Cyntia Luster ay isang Japanese aktres na ipinanganak noong Disyembre 31, 1963. Isa siyang Japanese nationality dahil ang ama niya ay isang matagumpay na Japanese Businessman at ang kanyang ina naman ay isang fashion designer sa bansang Japan.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Ang hindi alam ng karamihan ay bago pa man naging matunog ang pangalan ni Cyntia Luster dito sa ating bansa ay nauna na siyang sumikat sa Hongkong dahil sa kanyang mga action movies na ginampanan doon.
Noong kapanahunan ni Cynthia Luster, dahil sa kanyang taglay na talento ay kinilala rin siya bilang isang Japanese brightess female martial artist.
Nag-aral si Cynthia Luster sa kanilang bansa ng martial arts kung kaya naman tila sanay na sanay ito sa kanyang mga galawan sa pelikula.
Bago pa man makilala si Cyntia Luster dito sa bansa ay una na siyang nakilala bilang isang kontrabida sa panood na "BIOMAN" na paboritong panoorin noon ng mga kabataan.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Ilang taon ang lumipas ay humina na ang karera ni Cyntia Luster sa Hongkong kung kaya naisipan nitong magtungo sa Pilipinas upang magsimula ulit ito sa kanyang career.
Noong dekada nobenta ay agad naging matunog ang kanyang pangalan sa Pilipinas dahil sa angkin at natural nitong talento sa martial arts.
Ilan sa mga pelikula na nagawa ni Cynthia Luster sa bansa natin ay Once Upon A Time In Manila kung saan nakasama niya rito ang kilalang aktor at komedyante na si Vic Sotto.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Masaya na tahimik ang kanyang buhay sa Japan, retirado na ito ngunit aktibo pa rin ito sa pagsulong ng turismo sa kanilang bansa.
Kasalukuyan din siyang co-founder at teaching staff ng Yukari Oshima Action School kung saan siya nagtuturo ng training para sa mga kabataan na nais pasukin ang action movie.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
Nakakamangha na kahit na humina na ang kanyang karera sa showbiz industry ay nakakatuwa pa rin isipin na nais pa rin niyang ipasa ang kanyang kaalaman sa mga kabataan na nais pasukin ang martial arts.
Larawan mula sa Yukari Oshima |
***