Bike for sale ni lolo: “Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon.” - The Daily Sentry


Bike for sale ni lolo: “Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon.”



Mabilis na nag-viral sa social media ang mga larawan ng isang lolo na ibinebenta ang kanyang bisikleta upang may ipambili ng pagkain.
Photo credit: King Robert Heredia

Sa Facebook post ng King Robert Heredia, ibinahagi nito ang mga larawan ni lolo na talaga namang umantig sa puso ng mga netizens.

Kwento ni Heredia, hindi raw sinipot ng buyer si lolo kaya nagpaskil nalang siya ng ‘for sale.’

Wala na rin daw sila makain kaya kailangan niyang ibenta ang kanyang bisikleta.
Photo credit: King Robert Heredia
Photo credit: King Robert Heredia

Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon. Di kasi ako sinipot nung bibili ngayon, baka may gusto bumili kaya nag pwesto ako dito,” sabi ni lolo.

Naluha na lamang si Heredia sa kanyang mga narinig. Kahit na gusto umano niyang bigyan ng pera ang matanda ay wala rin siyang pera.

Kaya naman naisipan niyang ipost sa Facebook ang larawan ni lolo upang matulungan ng mga netizens.

Narito ang buong post ni Heredia:

"BIKE NI LOLO FOR SALE" walang bawas na salita:

T: Lo, Magandang hapon po. Magkano nyo po binebenta ang bike?

Lolo: 1500 po sir

T: Taga san po kayo lo?

Lolo: Diyan lang po sa Cataquiz sa bayan po 

T: Bat nyo po binebenta? edi wala na po kayong bike?

Lolo: Wala na po kasi kami kakainin. Pang kain namin ngayon. Di kasi ako sinipot nung bibili ngayon, baka may gusto bumili kaya nag pwesto ako dito. 

Naluha nalang ako, wala rin kasi ako maibigay kahit barya. napadaan lang kasi ako. Kaya ipopost ko nalang po ito. SAna may tumulong o bilin ang bike ni Lolo Marcelo 75 y.o na taga Cataquiz San Pedro Laguna. Nakaupo sa gilid ng kalsada ng Brgy. Cuyab San Pedro ngayon kanina alas 3 ng hapon."

Samantala, dahil sa mabilis na pagkalat ng mga larawan ng matanda, umabot ito sa pamahalaang lungsod ng San Pedro Laguna at agad siyang nabigyan ng tulong.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner

Kinilala ang matanda na si lolo Marcelo.

Ayon sa post, “nakapag-abot ang ating Pamahalaang Lungsod ng Livelihood Program, Financial Assistance at mga Grocery Bags para sa kanya ngayong araw, Agosto 25, 2022 sa San Pedro City Hall.”


***
Source: Facebook