Bangko na tinanggihan syang mag-loan noon, binili nya at ginawang paupahan - The Daily Sentry


Bangko na tinanggihan syang mag-loan noon, binili nya at ginawang paupahan




Sa isang napakapambihirang pagkakataon, tila bumaliktad ang tadhana matapos magawang bilhin ng isang lalaki ang bangkong noon ay tinanggihan syang tulungan na isakatuparan ang kanyang mga pangarap. 


BILOG ANG MUNDO. Ito ang pinatunayan ng isang lalaking bumangon mula sa kahirapan matapos niyang bilhin ang isang bangko na dati ay tinanggihan siya na makapag-loan noong mga panahon na hindi pa sya ganoon kayaman, ‘di tulad ngayon. 





Ang biniling bangko? Gagawin lamang nyang isang apartment upang maupahan ng kahit sino.


Tunghayan ang makulay na kwento ng tagumpay ni Adam Deering na tiyak ay kapupulutan ng aral at inspirasyon.


Isa na ngayong successful na negosyante, ibinahagi ni Adam ang hirap na mga pinagdaanan niya noon para magtagumpay sa buhay. Payo nya, dapat na itatak sa isipan na hindi permanente ang sitwasyon mo ngayon sa kasalukuyan.





“Remember, your current situation is never your final destination” aniya.


GUMUHONG PANGARAP


Labing-walong taon na ang nakakaraan noong nagsisimula pa lamang si Adam na magtayo ng kanyang pinapangarap na negosyo. Subalit tila guhumo ang mundo nya nang tanggihan siyang pautangin ng bangkong kanyang nilapitan.






Sa pamamagitan ng kanyang Instagram post ay ibinahagi ni Adam kung papaano niya nabili ang gusali ng nasabing bangko na ngayon ay balak niyang gawing apartment.


“So last week, I brought the bank building where I got knocked back for a loan at 21 years old! So, when I was a** 21-years-old, I had a dream to work for myself and set-up my own business.”


BUSINESS LOAN


Ayon kay Adam, gumawa siya ng isang business plan at nagpa-set ng appointment sa manager ng naturang bangko upang makausap ito tungkol sa kanyang plano na makakuha ng business loan na magiging kapital niya sana para sa kanyang ninanais na negosyo.


Habang nag-aantay sa kanyang appointment ay todo-todo ang panalangin ni Adam sapagkat wala talaga siyang pera o pang-kapital na magagamit para maisakatuparan ang negosyong kanyang pinapangarap.


“I sat down with my fingers and toes crossed and the woman who was the bank manager took my business plan, went through it quickly and in a patronizingly tone said the problem is, ‘Adam, you are a bit young and you have no business experience. This isn’t something we can do at this stage.” paliwanag ng bank manager sa noon ay binata pang Adam. 



NAGIPIT NGUNIT NAGPURSIGI 


Labis na pagkabigo ang naramdaman ni Adam, hindi lamang dahil tinanggihan siyang pautangin ng bangko kung hindi dahil wala siyang Plan B at naka-alis na siya sa kanyang pinagtatrabahuan.


Ang natitira naman niyang pera ay sapat na lamang para sa tatlong buwan pang-renta sa kanyang tinutuluyan at mayroon siyang phone-line off BT na nasa ilalim ng 30-day credit term.


Ngunit, ang mga pagsubok na ito ay tila naging motibasyon pa ni Adam upang magpursigi sa buhay at ngayon nga ay natupad na ang matagal niyang pinapangarap.


SUCCESS IS THE BEST REVENGE


Sa kasalukuyan ay isa ng business tycoon si Adam at pinamumunuan niya ang limang multi-million companies na kinabibilangan ng debt management firm.


Sabi nga nang nakakarami, ‘Kapag may nagsarang pinto ay may magbubukas na bintana’, at pagpapatunay dito ang mga pinagdaanan ni Adam. Nawa’y magsilbing inspirasyon ang istorya niya para sa mga taong nagnanais na tuparin ang kanilang mga pangarap.