Larawan mula sa Pinterest |
Si Li Jun Fan o nakilala sa pangalang Bruce Lee ay ipinanganak noong November 27, 1940 sa San Francisco, California.
Si Bruce Lee ay isang Hong Kong, American martial artist at Kung Fu master na sumikat sa Hollywood dahil sa kanyang husay sa martial arts at tumulong sa pagpapasikat ng mga martial arts movies noong taong 1970s.
Kung martial arts at Kung-Fu movies ang pag-uusapan ay si Bruce Lee ang talagang pinaka-hinahangaan sa lahat at maituturing nga siyang pinaka sikat na martial arts legend.
Larawan mula sa asiaone |
Larawan mula sa asiaone |
Maging ang mga taong kilala ngayon sa larangan ng sports at showbiz ay talaga namang malaki ang paghanga kay Bruce Lee.
Subalit bakit nga ba maagang namaalam si Bruce Lee sa edad lamang na 32 ay binawian na siya ng buhay.
Naging palaisipan sa karamihan ang kanyang pagpanaw dahil sa kabila ng kanyang matinding ehersisyo sa araw-araw at pag-aalaga ng kanyang kalusugan ay ganito pa rin ang nangyari sa kanya.
Sa katunayan ay matindi rin ang pag-iwas nito sa mga bisyo at umiinom ng mga bitamina upang lalo pa itong maging malusog at malakas.
Larawan mula sa Pinterest |
Larawan mula sa Pinterest |
Taong July 20, 1973 ng maagang magising si Bruce upang mag-ehersisyo tulad ng kanyang araw-araw na ginagawa, pagkatapos ay nagtungo ito sa kanyang isang producer ng pelikula upang pag-usapan ang tungkol sa isang gagawing palabas niya.
Matapos ang kanilang pag-uusap ay nagtungo naman si Bruce Lee sa tahanan ng kanyang kasintahan na si Betty Ting Pei.
Sa mga oras na iyon ay ginawa nila ang mga bagay na natural na ginagawa ng magkasintahan at sabay umano silang gumamit ng "Damo", ito ay ayon kay Betty Ting Pei.
Si Bruce Lee ay gumagamit ng ika na "Damo" dahil naniniwala siya na pinapalawak at ginigising nito ang kanyang kaisipan.
Larawan mula sa Quora |
Larawan mula sa Quora |
Makaraan umano ang ilang oras ay nakaramdam si Bruce Lee ng labis na pagkasak1t ng ulo kung kaya pinagpahinga muna siya ng kasintahan hanggang sa makatulog ito.
Subalit ilang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin bumabangon si Bruce Lee upang maghapunan kung kaya naisipan ni Betty na gisingin ito at sa hindi inaasahan ay hindi na ito magising kung kaya agad siyang itinakbo sa ospit4l ngunit wala na rin nagawa ang mga doktor doon.
Marami naman ang nagsasabi na sinadya umano ito ng kanyang mga katunggali sa Kung-Fu o ng ilang kasamahan niya sa industriya.
Isa sa mga maaaring dahilan umano ay nang minsan na nakipagtunggali siya sa isang Chinese Kung-Fu master dahil sa pagtutol nito sa plano ni Bruce Lee na magpatayo ng isang martial arts school sa Amerika.
Ito ay dahil ayaw ng mga Chinese na ibahagi sa ibang lahi ang kanilang istilo ng pakikipaglaban.
Larawan mula sa history |
Dahil dito ay nagkaroon umano ng kasunduan na ititigil lamang ni Bruce Lee ang pagpapatayo ng martial arts school sa Amerika kung siya ay matatalo sa laban.
Kung ikaw ang tatanungin kabayan, ano sa tingin mo ang dahilan ng kanyang maagang pagkawala, maaari kang magbigay ng iyong opinyon sa comment section.
***