Babaeng hindi agad nakabayad sa inutang na underwear sa halagang Php800, ipina-tarpaulin; may kasama pang interes kada araw - The Daily Sentry


Babaeng hindi agad nakabayad sa inutang na underwear sa halagang Php800, ipina-tarpaulin; may kasama pang interes kada araw



Screengrab mula sa Raffy Tulfo in Action


Isang babae sa Batangas ang dumulog sa programang Raffy Tulfo in Action matapos ibandera ng kanyang inutangan ang kanyang mukha sa isang tarpaulin dahil hindi agad siya nakapag bayad ng kanyang utang.


Napag alaman na umutang ng produktong underwear si Gengerie Comprendio kay Nelia Muico ng Natasha Lemery ngunit nabigo ito na magbayad sa takdang araw na napag usapan.


 

Ayon kay Gengerie, pina-barangay daw siya ni Nelia dahil hindi siya nakabayad agad sa kanyang inutang na produkto.

 

Nakiusap pa daw si Gengerie na maghintay lang dahil wala nga siyang trabaho at dala na din ng pandemya.

 

Dahil nga walang mapagkakakitaan sa probinsya si Gengerie ay napilitan daw siyang pumunta sa Maynila para mag trabaho at makabayad na sa kanyang pinag-kakautangan.



Screengrab mula sa Raffy Tulfo in Action


 

Ngunit laking gulat nalang daw niya ng malaman mula sa mga kamag-anak na naka balandra na ang kanyang mukha sa isang tarpaulin at nakalagay din ang detalye ng kanyang utang kay Nelia.

 

At kahit isang buwan nang bayad ni Gengerie ang halagang Php 800 na principal ng kanyang utang ay hindi pa rin daw inaalis ni Nelia ang tarpaulin.

 

Nang mag-imbestiga ang RTIA ay napag-alaman na mayroong penalty na 5% ang bawat araw na hindi nakakabayad si Gengerie.*

 

Napaiyak na lang si Gengerie sa sobrang sama ng loob dahil sa labis na pamamahiya sa kanya pati na sa kanyang pamilya.

 

Gayunpaman, wala daw pinirmahang na dokumento o kasunduan si Gengerie tungkol sa interes kaya hindi na umano valid ang pagpataw ng interes sa kanya.

 

Nanawagan din ang RTIA na alisin na ni Nelia ang tarpaulin dahil maaari siyang kasuhan ni libel. 

 

Nang subukang kontakin ng staff ng programa si Nelia ay hindi ito sumasagot kaya idudulog nalang sa barangay upang makaharap ito.



Larawan ni Nelia Muico na nagpa tarpaulin kay Gengerie (screengrab mula sa Raffy Tulfo in Action)


 

Nakakatakot talaga ang mangutang lalo na kung mabubuyangyang sa publiko ang iyong mukha kapag hindi ka nakabayad sa napagkasunduang araw.


 

Sa post na binahagi ng KAMI sa Facebook ay marami ang napa react at hati ang saloobin ng mga netizen. May ilan na nagsabing exaggerated ang penalty na 5% kada araw. Mayroon namang nagsabi na huwag nang mangutang kung walang kakayahan na magbayad agad.