Larawan mula sa alchetron |
Si Jesus Songko Lapid o mas kilala sa pangalang Jess Lapid Sr. ay ipinanganak noong October 5, 1933 sa bayan ng Guagua Pampanga.
Ang kanyang asawa ay si Bella Flake Lapid at nagbunga ang kanilang pagmamahalan ng tatlong anak at isa sa mga ito ay ang isa ring sikat na aksyon star na si Jess Lapid Jr.
Dahil malayo sa kabihasnan at mahirap noon ang kanilang pamumuhay sa Guagua Pampanga, napag-desisyunan ng kanilang pamilya na makipag-sapalaran sa lungsod ng Maynila.
Dahil ang kuya ni Jess Lapid Sr. ay isa noong cameraman sa mga pelikula ay kinuha siya nito upang maging alalay pansamantala.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Dahil madalas kasama si Jess Lapid sa mga shooting ng mga pelikula ay maswerteng napabilang siya bilang extra ng mga pelikula.
Ngunit sa pagiging extra niya sa mga pelikula ay tila kulang umano ang kanyang kinikita upang buhayin ang pamilya kung kaya napag-isip ni Jess na mas malaki ang kanyang kikitain sa pagiging stuntman ng pelikula at sinubukan niya ito.
Sa kanyang pagiging stuntman ay marami ang humanga sa kanya at talaga naman na naipamalas nito ang kanyang angkin na talento pagdating sa mga maaaksyong eksena.
Dahil sa kanyang talento ay maging si Da King Fernando Poe Jr. ay humanga sa kanya at dito na nga naging madalas magkasama ang dalawa.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Bukod pa sa pagiging magaling na stuntman ni Jess ay hinangaan din siya dahil sa kanyang mabilis na kamay sa pagbunot ng bar1L kung kaya binansagan siya bilang si "Kidlat".
Hindi nagtagal ay unti-unting nakikita ang kanyang talento pagdating sa mga aksyon movie kung kaya naman nabigyan siya ng break upang gumawa ng pelikula na siya mismo ang bida.
Ilan sa kanyang mga nagawang pelikula na talaga namang tinangkilik ng kanyang mga taga-hanga ay ang Nardong Kidlat, Bilis at Tapang at D34dly Brothers.
Dahil sa kanyang angkin na talento ay naging sunod-sunod ang kanyang mga pelikulang pinagbidahan at sa katunayan nga ay sa kanyang 11-years na pamamayagpag ay nakagawa siya ng 121 na pelikulang Pilipino.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Talaga nga namang isang legend kung maituturing itong si Jess Lapid Sr. dahil sa kanyang naimbag sa pelikulang Pilipino.
Ngunit noong taong July 13, 1968 ay nagulantang ang lahat matapos walang awang winakasan ang buhay ni Jess sa isang night club ng isang armadong grupo matapos magkaalitan ang mga ito.
Nangyari ito sa isang night club nang minsan na nagkatagpo sina Jess at ang isang grupo ng kalalakihan na ayon sa balita ay mayroon na umano silang dating alitan.
Dito ay pinagtulungan si Jess at walang awang pinaputukan ng sunod-sunod sa magkakaibang bahagi ng katawan at hindi manlang ito nagawang makaganti, dito na nga namaalam ang kawawang aktor sa edad na 34 lamang.
Dahil sa pagsisiyasat ng mga otoridad ay hindi nagtagal ay natuntun din ang grupong gumawa nito kay Jess Lapid Sr. at pinagbayaran nila ito sa loob ng kulungan.
Larawan mula sa alchetron |
Larawan mula sa alchetron |
Talaga nga naman na kahanga-hanga ang kanyang ginawa sa mundo ng showbiz kung kaya naman hindi maitatanggi na isa siya sa mga naging matitibay na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***