Larawan mula sa newstimes |
Si Eduardo Fernandez o kilala sa screen name niya na Eddie Fernandez ay isinilang noong taong 1939 sa Lucban, Quezon Province.
Si Eddie ay namulat sa buhay na isang kahig, isang tuka at talaga namang mahirap ang kanilang buhay noon dahil ang kanyang kapanganakan ay panahon ng pananakop ng mga hapon sa bansa.
Dahil dito ay napagdesisyunan niya na lumuwas ng Maynila upang makipag sapalaran sa buhay at nagbabakasakali na swertehin ito.
Ngunit imbes na maghanap ng pagkakakitaan ay tila naligaw ng landas itong si Eddie dahil napasama siya sa ilang miyembro ng Gang na madalas ay napapasabak sila sa away.
Larawan mula sa newstimes |
Larawan mula sa newstimes |
Isang araw habang nakikipag-suntukan siya sa mga kaaway ay mayroon isang taong nakapansin sa kanya dahil sa husay nitong lumaban at hindi maitatanggi na guwapo at matikas din ang kanyang pangangatawan.
Sa hindi gaanong kalayuan ay pinagmamasdan pala siya ng isang batikang director na si Sergio Santiago na tila nagustuhan si Eddie na kunin bilang isang artista.
Dito ay nilapitan siya ng diretor na si Santiago at inanyayahan na subukang umarte sa kamera.
Larawan mula sa newstimes |
Larawan mula sa newstimes |
Hindi naman tumanggi si Eddie dahil hindi naman ito mahirap para sa kanya dahil sanay naman ito na makipagbakbakan sa totoong buhay.
Nagumpisa muna si Eddie sa maliliit na role hanggang sa nakitaan na ito ng natural na talento sa pag-arte at dito na nga umangat ang kanyang karera sa industrya ng showbiz.
Hanggang sa nakagawa ito ng sariling pelikula na pinamagatang "LAGALAG" na siya mismo ang bida at dito na nga siya sumikat at lubos na nakilala ng sambayanang Pilipino.
Nagsunod-sunod na ang kanyang mga nagawang pelikula at sa katunayan ay mas nakilala ng mga tao ang pangalan niyang 'Lagalag' kaysa Eddie Fernandez.
Dahil sa katanyagan ay kaliwa't kanan ang mga nagiging babae ni Eddie ngunit ang nakabihag ng kanyang puso ay ang aktres na si Dulce Lukban at nagpakasal ang dalawa.
Biniyayaan sila ng isang anak na babae na kilala ngayon bilang Concert Queen na si Pops Fernandez.
Larawan mula sa newstimes |
Larawan mula sa newstimes |
Dala na siguro ng mabilis na pagsikat ay mabilis din ang paglobo ng kanyang ulo na maaaring impluwensya na rin ng katanyagan matapos silang masangkot sa isang bar1lan kasama ang isang beteranong aktor na si Berting Labra na madalas maging sidekick ni Fernando Poe Jr.
Nakadisgrasya umano sila ng isang tao at dahil dito ay nakul@ng si Eddie Fernandez at Berting Labra ng anim na taon.
Taong 1982 ay nakalaya na ang mga ito at sinubukan ni Eddie na muling umarte sa telebisyon ngunit hindi na ito muling sumikat gaya ng dati.
Hindi nagtagal ay muling nasangkot si Eddie sa ilang kaso na may kinalaman sa ipinagbabawal na gamot.
Larawan mula sa newstimes |
Taong 1993, pinatitigil umano ang sasakyan ni Eddie sa isang checkpoint sa Makati ngunit tumanggi ito at nagkaroon ng palitan ng putok at tinamaan ang aktor sa ibat-ibang bahagi ng katawan at dito na nga siya binawian ng buhay.
Kahit na ganito ang nangyari kay Eddie Fernandez na tila nalihis ang kanyang landas ay isa pa rin siya sa maituturing na haligi ng industriya ng pelikulang Pilipino.
***