Anak, isinugod sa ospital matapos malason ng nilalarong halaman; Mga magulang, nagbabala! - The Daily Sentry


Anak, isinugod sa ospital matapos malason ng nilalarong halaman; Mga magulang, nagbabala!





Iba ang pagkahilig ng marami sa atin na mga pinoy sa mga halamang masarap sa mata at hindi mahirap alagaan at i-maintain. Ngunit minsan dahil sa sobrang pagkahumaling, hindi na inaalam kung ito ba ay ligtas sa kalusugan ng tao, lalo na ng mga bata at mga alagang hayop. 


Katulad nalang ng isang paalala at pagbahagi ng isang magulang sa karanasang hinding-hindi nila makakalimutan dahil halos ikamatay nila ang sobrang nerbyos at taranta matapos mabiktima ang kanilang anak sa nakakalas0n na halaman. 


Ayon sa post ni Ramzjhay Ramiel Campo mula Villaba Leyte, hindi niya maipaliwanag ang takot na nararamdaman nang makita ang anak niyang bigla nalang nagsisigaw sa sobrang sakit na dulot ng las0n ng halaman na nilalaro-laro ng kanyang anak. 



At kahit pa ano-anong pagkain nalang ang sinusubukan nilang ipakain sa bata para mabawasan at mawala ang tila sobrang hapdi at pangangati ay hindi nababawasan ang pag-iiyak ng kanyang anak. 


Labis pa nilang ikinabahala ang tuloy-tuloy na paglalaway at kalaunan ay tila nahihirapan na din daw ito sa paghinga kaya't dali-dali nila itong isinugod sa pagamutan. 


"Maya-maya biglang nalang umiyak si Venice na sobrang lakas at hindi matigil-tigil na iyak. Pagkakita namin sa kanya grabe na ang tulo ng laway niya. Para siyang nangangati at parang napaso,"





Nakita nalang nila ang mga dahon ng Caladium Long leaves, isang uri ng halaman na madalas makikitang alagang tanim sa mga kabahayan at minsan pa ay ginagawa itong pang indoor plant na ginawa palang laruan ng kanyang anak.  


"Grabe ang to xic ng dagta nitong halaman na 'to. Ang epekto kay Baby grabe ang iyak niya, laging tumutulo yung laway. Hindi ko alam kung sobra makati ba or mukha siyang pinapaso sa bibig niya at ang pinakakinakatakutan ko para siyang nahihirapang huminga,"


 "Isa pala to sa mga pois0nous plants,"




Kaya iwasan ang mahawakan ang lahat ng parte ng halaman ng ito, lalo pa ang pagbabawal gawing laruan ng mga bata lalo na ang makagat at makain dahil sobra ang sakit ang idudulot nitong las0n, parang sinusunog ang bibig at lalamunan, grabeng pangangati, pagkasira ng mata, paglalaway, naduduwal at nasusuka. 


"Nakakatakot. Sobra yung panginginig ko. Sa Facebook ko lang to nakikita tong mga ganito, hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa anak ko,"


Narito ang kabuuan ng post:  


Kahapon lang to nangyari mga bandang 8:00AM. Grabe yung takot at panginginig ko sa nangyari. Hindi ko inasahan habang nag-lilinis ako sa labas, ang dalawa kong mga anak na sa tindahan naglalaro kasama ang kanilang Lola so kampante lang ako sa ginagawa ko, naririning ko pa nagtatawanan lang sila mag-Lola. 


Maya-maya biglang nalang umiyak si Venice na sobrang lakas at hindi matigil-tigil na iyak. Pagkakita namin sa kanya grabe na ang tulo ng laway niya. Para siyang nangangati at parang napaso. 


Sabi naman ng Lola niya, kakatalikod lang niya sa mga bata nang silay magkulitan dahil may kinukuha lang siya nang bigla nalang din niya narinig ang iyak ni Baby. Ang nakita niya na hawak ng bata ay dahon nitong halaman na ito. Ginupit-gupit niya ito ng square at ipinasok sa bibig niya, may hulma ng ngipin niya. 


Grabe ang to xic ng dagta nitong halaman na 'to. Ang epekto kay Baby grabe ang iyak niya, laging tumutulo yung laway. Hindi ko alam kung sobra makati ba or mukha siyang pinapaso sa bibig niya at ang pinakakinakatakutan ko para siyang nahihirapang huminga kahit ano-ano nalang ipinapakain namin para lang sana mabawasan yung naramramdaman niyang sakit kaso wala talaga kaya nagdesisyon na ako na itakbo na sa hospital. 


Nakakatakot. Sobra yung panginginig ko. Sa Facebook ko lang to nakikita tong mga ganito, hindi ko lubos maisip na mangyayari ito sa anak ko. Buti nalang dahil kahit pa sa sobrang taranta ko kahapon, naisip ko paring icheck sa google. Isa pala to sa mga pois0nous plants. 





Sa mga may tanim na mga ganitong uri ng halaman, itanim niyo please sa lugar na hindi nadadaanan. 

***

Source:  Ramzjhay Ramiel Campo

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!