Isa sa pinakakilalang komedyante at nagbigay ng saya sa mga movie fans noong dekada 90s’ ay si Cipriano “Dodoy” Cermeño II o mas kilala bilang Redford White ng Philippine showbizness.
Redford White / Photo credit to the owner
Si Redford ay ipinanganak noong December 5, 1955 sa Cebu City. Siya ay nadiskubre ng direktor na si Bert De Leon.
Si Redford ay isang aspiring comedian writer noon.
Agad inalok ng direktor si Redford na lumabas sa isang screentest kasama ang dati ring komedyante na si Bing Angeles. Kaagad umanong nag-click ang kanilang tambalan sa mga manonood.
Redford White / Photo credit to the owner
Dito na nagsimula ang karera ng komedyante sa showbiz.
Unang lumabas sa TV si Redford sa sitcom na Iskul Bukol bilang isang cafeteria waiter.
Photo credit to the owner
Dahil mahirap umanong tandaan ang tunay na pangalan ng komedyante at dahil sa kondisyon nitong albino, binansagan siya ni Joey De Leon ng Redford White. Agad naman itong nag-click at naging screen name na niya sa showbiz.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Dahil sa kanyang natural na talento sa pagpapatawa, si Redford ay agad nagkaroon ng mga pelikulang siya mismo ang bida katulad ng Boni and Klayd, Darakula, Sinisinta kita, di ka kumikibo at Hee Man.
Sa pag usbong ng kanyang karera, nagkaroon pa ng maraming pelikula ang aktor katulad ng Tar-san, Ala eh... Con Bisoy! Hale-hale-hoy!: Laging panalo ang mga unggoy at Haba-baba-doo! Puti-puti-pooo!
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Nakasama rin ni Redford ang mga sikat at bigating artista noon katulad nina Babalu, Bonel Balingit, Leo Martinez, Robin Padilla, Andrew E at marami pang iba.
Habang namamayagpag ang kanyang career sa pelikula, lumabas din siya sa ilang programa sa telebisyon katulad ng “Buddy en Sol” kasama ang anak ni Comedy King Dolphy na si Eric Quizon.
Tumagal ang programa ng apat na taon mula 1990 hanggang 1994.
Si Redford ay pinarangalan rin bilang best actor ng PMPC Star Award sa kanyang pagganp bilang Sol sa “Buddy en Sol.”
Eric Quizon and Redford White / Photo credit to the owner
Eric Quizon and Redford White / Photo credit to the owner
Lumabas din siya sa mga tanyag na TV series tulad ng ‘Palibhasa Lalaki,’ Ang katabi kong Mamaw,” ‘Family 3+1’ at iba pa.
Taong 2001 hanggang 2007 naman ay nakasama si Redford sa pambatang TV series na Kokey.
Ang huling naging pelikula ng komedyante ay ang ‘Iskul Bukol 20 Years After’ noong 2008 bago siya mamahinga dahil sa mga nararamdamang sakit.
Photo credit to the owner
Photo credit to the owner
Noong una ay akala ni Redford na ang mga nararamdamang pagkahilo ay sanhi lamang ng vertigo. Pinayuhan siya ng doktor na sumailalim sa MRI subalit tinanggihan niya ito.
Itinago ng komedyante ang iniindang karamdaman upang hindi mag-alala ang kanyang mga kaibigan at mga mahal sa buhay. Subalit dumating ang panahon na unti-unting nanghina ang kanyang katawan.
Noong February 2010, si Redford ay na-diagnosed sa sakit na stage 4 brain cancer at sa panahong iyon ay hindi na kaya pang lunasan.
Redford White / Photo credit to the owner
Si Redford ay pumanaw sa edad na 54 noong July 25, 2010.
Sa pagpanaw ng batikang komedyante, marami ang nalungkot at nagbahagi ng kanilang mga karanasan sa panahong nakasama nila ang aktor.
Photo credit to the owner
Maraming tagahanga ang nagmahal sa kanya at nakuha niya ang respeto ng kanyang mga nakatrabaho.
Naiwan ni Redford ang asawang si Elena Cermeño at anak na si Jeruie Cermeño.
Maaga mang nawala ang batikang komedyante, nananatili siya sa isip at puso ng kanyang mga tagahanga at mga taong nagmamahal sa kanya.