Hindi lingid sa kaalaman ng karamihan ang napakaraming responsibilidad na ginagampan ng mga Guro, hindi lang sila basta pumapasok para magturo sa kanilang mga estudyante, pati ang iba pang mga gawain kaakibat sa kanilang uri ng trabaho ay dagdag sa kanilang mga ginagawa.
Ngunit, sa propesyon din na ito inaasahan sa kanila ang walang kapantay na pasensya lalo na kung ang tinuturuan nila ay mga batang nasa murang edad pa.
Umani ngayon ng samot saring mga opinyon at reaksyon ang ipinost ng isang magulang tungkol sa sinapit ng kanyang 6-na taong gulang na anak sa unang araw nitong pagpasok sa paaralan bilang Grade 1, na siyang naging dahilan ng pagkawala ng gana at excitement nitong pumasok at mag-aral.
Ramdam ni Trish Khea Yudan Bulosan bilang isang magulang sa kung ano eksakto ang pinagdaraanan takot at pagkahiya ng kanyang anak na si Aaron, nang naiwan itong mag-isa sa classroom na umiiyak habang ang mga kaklase niya'y nagsipag-uwian na dahil hindi umano ito marunong magsulat.
'"Ma'am si Prince Aaron Dumaop Yudan, andun sa room naiwan dahil hindi nagsulat. Hindi talaga siya marunong sumulat Ma'am kahit ano pang gawin ko sa kanya. Sa lahat ng mga estudyante siya lang talaga ang hindi marunong sumulat." paliwanag ng guro sa kanya.
Ito ang ikinagulat ni Trish dahil alam niyang marunong ng magsulat at magbasa ang anak dahil tinuturuan niya ito sa kanilang bahay. Naabutan niya ang anak sa upuan nito na hindi matigil sa pag-iyak, at makikita rin sa ibinahagi niyang video na hagulgol at nababasa na ang papel sa mga luha nito.
"Nagtaka ako kung bakit sinabi niyang hindi marunong, eh alam kong marunong naman siyang magsulat, mag identify sa letters, numbers, at color at shape."
Dito na niya inusisa ang anak nang umuwi na sila at napag-alaman niyang dahil sa takot at trrauma kaya't hindi na kaya pang magsulat ng anak dahil pinapagalitan umano siya ng kanyang guro at pinipitik.
Agad naman niyang sinubukan ulit ang anak sa pagpapasulat ng kanyang pangalan at iba pang mga impormasyon sa kanyang papel, marunong naman daw ito isulat ang pinapasulat sa kanya sadyang kailangan lang din umano ng kaunti pang pagpapaintindi sa bata, lalo pa't Grade-1 palang naman at unang araw pa lang ng klase.
Labis lang niyang ikinalulungkot bilang isang Ina dahil imbes na masaya sila na nakikita nila ang anak na super excited pumasok at mag-aral, nagayon ay natatakot at nawalan na ito ng gana pang bumalik sa eskwela.
"Sobra akong naaawa at nag-aalala sa bata ngayon dahil lang sa nangyari sa kanya, kahit pa ilipat ko siya ng school natatakot na siyang mag-aral.ðŸ˜ðŸ˜,"
"Sobrang sakit makita sa bata na parang nagseselos siya sa ibang mga bata na mga kaibigan niya na nag-aaral, at sa tuwing umuuwi na ang mga kaibigan niya from school, tinatanong niya kung pinipitik din ba sila ng Teacher,"
"Noong time na nagmomodule pa siya, hindi siya mahirap turuan, fast learner siya na bata lalo na pag sa Math. Basta i-guide lang siya at turuan hindi sa paraan na papagalitan kasi takot na ang mararamdaman ng bata. Kahit pa sa murang edad niya, bata pa pero nakikita ko sa kanya na pursigido siyang mag-aral,"
Naawa rin siya sa kanyang anak dahil nadadala nito hanggang sa pagtulog ang kanyang takot at bigla-bigla nalang daw umano itong umiiyak habang tulog dahil pinapaglitan ng kanyang Teacher.
"Kahit pa natutulog binabangungot siya at umiiyak kasi nagagalit daw ang teacher at pinitik siya,"
"Sana sa mga Teachers out there specially sa Kinder at Grade-1, sana magkaron kayo ng mahabang pasensya sa mga estudyante lalo na sa kanila na first time para sa face-to-face,"
Sa hiwalay na post ni Trish bago paman niya gawin ang post na ito, minabuti niya muna daw na ilapit ang pangyayari sa pamunuan ng paaral, ngunit tila parang wala naman daw rin siyang nakuhang aksyon hinggil dito.
Marami sa mga netizens ang nabahala rin sa pangyayari at pinagdaanan ng bata at kung sana'y nahandle lang ng maayos ng guro ang mga ganoong pangyayari ay maiiwasan sana na mawalan ng gana ang bata sa pag-aaral.
Narito ang kabuuan ng post ni Trish Khea Yudan:
August 22-2022 first day of school excited na sobra pumasok sa paaralan. 3AM palang ay gising na siya dahil sa excitement niya. Pagkahatid ko sa kanya sa school sabi niya "MA, umuwi ka na, sunduin mo nalang ako mamaya dahil big boy na ako" so iniwan ko na siya.
10:45 nag chat ang teacher sa gc na pwede na sunduin ang mga bata. Pagdating ko sa school nakasalubong ko ang Teacher sa gate ang nagtanong ako "Ma'am si Aaron po?" ang sabi niya "Ma'am si Prince Aaron Dumaop Yudan, andun sa room naiwan dahil hindi nagsulat. Hindi talaga siya marunong sumulat Ma'am kahit ano pang gawin ko sa kanya. Sa lahat ng mga estudyante siya lang talaga ang hindi marunong sumulat."
So nagtaka ako kung bakit sinabi niyang hindi marunong, eh sa pagkakaalam ko marunong naman siyang magsulat, mag identify sa letters, numbers, at color at shape. Habang naglalakad ako papuntang sa classroom, may magulang lumapit sa akin ang sabi niya "Ma'am anong grade na ng estudyante mo?" sabi ko "Grade-1 po Te," sabi niya "Ha? Grade-1 palang tapos ganon ang approach niya sayo? Dapat turuan niya kasi Teacher siya tapos Grade-1 pa lang ang bata. Hindi talaga agad ma perfect kasi first time pa naman niya mag face-to-face.
So ayun, pagdating ko sa room naabutan ko si Aaron na hagulgol sa pag-iyak. Tinanong ko siya kung bakit siya umiiyak, hindi ko maintindihan ang sinasabi niya dahil umiiyak. Sabi ko sa kanya tuturuan ko siyang magsulat, ngunit ayaw nadin niyang sumulat dahil sa nag-iiyak siya.
Dinala ko nalang siya pauwi ng bahay, at habang naglalakad kami sabi ko sa bata "bakit hindi ka daw nagsulat na alam mo naman pano sumulat" sabi niya natatakot na daw siya dahil lagi siya pinapagalitan tapos pinipitik ang kamay niya. 😓
Pagdating namin sa bahay, umiiyak parin siya at laging sinasabi ayaw nadaw niyang mag-aral kasi bad si Teacher. Pinapalaro ko muna sa labas para umokey ang pakiramdam niya sa dinaranas na trauma dahil hindi niya inasahan sa kanyang excitement ganon pa ang mararanasan niya sa paaralan.
Pagkatapos niyang maglaro, pinapapasok ko na siya tapos nagsulat ako sa white board at pinapagaya ko ng sulat sa kanya at sumikip ang dibdib ko na nakatingin sa kanya dahil marunong talaga siyang magsulat, kulang lang talaga siguro siya sa pagpapaintindi 😓.
At masama talaga ang loob ko kasi kinaumagahan, ginising ko na siya para mag-school napapanaginipan niya ang nangyari sa kanya. ðŸ˜
P.S Sana sa mga Teachers out there specially sa Kinder at Grade-1, sana magkaron kayo ng mahabang pasensya sa mga estudyante lalo na sa kanila na first time para sa face-to-face. Okay lang naman sa akin na pitikin ang kamay ng bata bilang pantakot pero wag naman po sana sa first day nila dahil hindi na makakapagsulat pa ang bata dahil sa takot, lalo na ibang tao ang pumipitik o nagagalit sa kanila tapos nahihiya narin siya dahil sa dami ng kanyang mga kaklase na nakatingin sa kanya.
Sobra akong naawa at nag-aalala sa bata ngayon dahil lang sa nangyari sa kanya, kahit pa ilipat ko siya ng school natatako na talaga siyang mag-aral.ðŸ˜ðŸ˜
Sabi pala ng Teacher na marami daw siyang witness sa nangyari pero ang bata kasi kahit pa natutulog binabangungot siya at umiiyak kasi nagagalit daw ang teacher at pinitik siya. 😞💔Anong dapat kong gawin po, bilang isang guardian, parent sobrang sakit makita sa bata na parang nagseselos siya sa ibang mga bata na kaibigan niya na nag-aaral, at tuwing umuuwi na ang mga kaibigan niya from school, tinatanong niya kung pinipitik din ba sila ng Teacher. 💔😥
***
Source: Trish Khea Yudan Bulosan
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!