Photo credit to News5 |
Ito ang madalas na maririnig na kasabihan sa mga taong may determinasyong mag-aral at matiyagang inaabot ang mga pangarap sa kabila ng kanilang edad o estado sa buhay.
Pinatunayan ito ng 52-anyos na si Benjie Estillore, isang Grab driver sa gabi at kasalukuyang nag-aaral bilang Grade 12 student sa umaga.
Sadyang umantig sa puso ng karamihan ang larawang ibinahagi ng netizen na si Earl Licera, kung saan makikita si Tatay Benjie na naka-uniporme kasama ang kanyang mga kaklase, habang nakapila at hawak ang papel kung saan nakasulat ang grade at section ng kanilang klase. Ang larawan ay kuha sa unang araw ng pasukan noong August 22, 2022.
Photo credit to News5 |
Si Tatay Benjie ay nagsisikap magtrabaho bilang Grab driver sa gabi upang ipangtustos diumano sa kanyang mga pangangailangan sa eskwela.
Sa isang panayam, ibinahagi niya na pangaarap niya talagang makapagtapos ng pag-aaral dahil nakikita niya ang kahalagahan ng edukasyon. Kaya naman maraming netizens ang sumaludo sa dedikasyong ipinakita ni Tatay Benjie.
Araw-araw ay gumigising siya ng alas-kwatro ng madaling araw pero ang destinasyon, hindi muna sa pamamasada kundi sa eskwelahan. Grade 12 student siya sa Benigno S. Aquino High School sa Makati city.
Kahanga-hanga rin na kadalasan ay kanyang isinasabay ang ilang mga kamag-aral papasok sa kanilang paaralan. Bilib din ang kanyang mga guro at principal kay Tatay Benjie, dahil sa kasipagan nito sa pag-aaral. Achiever din siya sa klase, class president at madalas makuhang leader sa group works nila.

Pagtapos ng klase sa umaga ay tuloy na siya sa pamamasada bilang Grab driver at bumabyahe hanggang hating-gabi.
Photo credit to News5 |
Kwento ni Tatay, nahuli siya sa pag-aaral dahil kinse-anyos pa lamang ay naulila na siya at nawalan ng mga magulang. Ngunit tiwala siya na sa kabila ng kanyang edad ay hindi pa huli ang lahat at walang imposible basta magsumikip lamang.
Naniniwala rin diumano siya na balang-araw ay makatatapos siya ng kolehiyo sa kursong political science at maaabot ang kanyang mga pangarap.
Naniniwala rin diumano siya na balang-araw ay makatatapos siya ng kolehiyo sa kursong political science at maaabot ang kanyang mga pangarap.
Source: News5