Working student, ginawang inspirasyon ang tagpi-tagpi nilang bahay, nakapagtsapos sa kursong Architecture - The Daily Sentry


Working student, ginawang inspirasyon ang tagpi-tagpi nilang bahay, nakapagtsapos sa kursong Architecture




Pinupusuan ngayon ng marami ang kakaibang dedikasyon ng isang estudyante na ilang beses mang napilitang tumigil sa pag-aaral dahil sa kahirapan at kawalan, hinihila ang sarili na tumayo at magpursige upang tuparin ang pangarap. 


Ito ang magkahalong pait at tagumpay na karanasan ni Jonell Calisin na inabot ng halos 9-na taon sa kolehiyo dahil sa patigil-tigil na pag-aaral dahil sa kasalatan ng pamumuhay, ngunit ngayo'y masayang ibinahagi ang kanyang pagtatapos sa kursong Bachelor of Science in Architecture sa Bulacan State Universtiy. 


Aminadong nahihiya sa mga mas batang mga kaklase dahil napag-iiwanan na umano ng kanyang mga dating ka-batchmates, ngunit hindi nalang niya ito pinapansin kahit pa minsan mas matanda siya sa kanyang mga propesor, ang iba'y mga batchmates pa niya. 


Pinasok ni Jonell ang pagiging empleyado sa isang gasolinahan,  naging merchandiser at factory worker sa mga magkakaibang kompanya para kumita lang at makapag-ipon para sa kanyang pag-aaral. Maaraming pagkakataon din na kailangan pa mangutang ng kanyang magulang para sa kanyang pamasahe papasok sa kanyang paaralan. 



"Gusto ko nang sumuko nun pero para bang hinnihila ako palagi ng mga paa ko para mag aaral sa kursong gustong- gusto ko ang architecture,"


Maraming beses siyang napanghihinaan ng loob at gustong sumuko nalang, hindi lang dahil sa kawalan ng pinansyal, naging hamon din sa kanya ang hindi pagpasa sa maraming subjects na kailangan niya pang balikan ulit.  


Sa kabila ng mga pagsubok, nanaig parin ang kanyang pagtitiyaga. Malaking parte rin ang hinugot niyang inspirasyon mula sa sitwasyon ng kanilang bahay na nabuo sa tagpi-tagping mga kahoy at yero.


"Lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sopbrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa,"



Payo din niya sa lahat ng mga kagaya niyang nakaranas ng matinding pagsubok at paghihirap para lang maka-graduate na huwag sumuko at magpatuloy lang sa pangarap dahil ang dulo ay matamis na tagumpay.  


"Hindi madali pero hindi imposible kapit ka lang para sa pangarap mo lagi mo lang iisipin kung bakit mo ginagawa lahat ng yan kapag napanghihinaan ka na," 


"Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit nahihirapan ka na kahit pagod na pagod  ka na kasi worth it yan ipaglaban."




Narito ang kanyang buong kahanga-hangang karanasan: 


Mahirap pero hindi imposible.


Ako na yata ang pinaka huli sa batch ko sa 2010 na gagradute. Dahil sa napakaraming dahilan una na yung napilitan akong mag stop dahil nawalan ako na trabaho. noong pinag sabay ko yung pag aaral ko at pag tatrabaho bilang gasoline boy. kaya nag stop ako ng halos tatlong taon. 


Nag hanap ulit ako ng pag kakakitaan para makaipon naging merchandiser at  factory worker sa tatlong ibat ibang factory para  makapag aral uli. nung nakapag aral naman uli nakaranas naman ng bagsak sa ibat- ibang subject.


Gusto ko nang sumuko nun pero para bang hinnihila ako palagi ng mga paa ko para mag aaral sa kursong gustong- gusto ko ang architecture. 


Hindi kami mayaman hindi ako matalino hindi ako proud na umabot ako ng 8 and half year sa college pero ang tanging maipag mamalaki ko lang ay yung hindi ako sumuyko sa hamon ng buhay. Naalala ko pa nuon na lagi kong tinatanung ang sarili ko kapag nahihirapan na ko . tama pa ba o tama na. 



madalas sakto lang yung pera ko sa pamasahe pag papasok na ako ng school minsan nagugutang pa yung magulang ko para lang makapasok ako buti nalang nagging libre yung tuition kahit papaano kinaya akong supurtahan ng magulang ko minsan nahihiya rin ako kasi ako na yung pinaka matanda sa mga kaklase ko pero hindi ko nalang pinansin kasi  sa edad na 31 nakagradute na  din ako. Nakaka intimid@te din minsan na mas matanda ka pa sa prof. mo minsan ka batch mo pa sila. 


trust the process minsan kailangan mo talagang pag daanan lahat ng hirap at mga pasakit para patatagin ka ng buhay. hindi madali pero hindi imposible kapit ka lang para sa pangarap mo lagi mo lang iisipin kung bakit mo ginagawa lahat ng yan kapag napang hihinaan ka na .



lagi ko lang tinitignan yung bahay namin pag gusto ko nang sumoko lagi kong iniisip na gusto kong makaranas ng may maayos na bahay yung hindi kayo nababasa pag umuulan hindi sopbrang init pag tag araw yung sarili nyo na yung lupa. Mag tiwala ka lang sa diyos at magugulat ka na lang nakamit mo na pala yung mga pangarap mo. 


Tuloy mo lang yung pangarap mo kahit nahihirapan ka na kahit pagod na pagod  ka na kasi worth it yan ipaglaban.


***

Source:  Jonell Calisin

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!