Valedictorian, humakot ng sandamakmak na awards at nasungkit ang Full-scholarship ng kilalang Unibersidad - The Daily Sentry


Valedictorian, humakot ng sandamakmak na awards at nasungkit ang Full-scholarship ng kilalang Unibersidad




Gaano ka kasigasig mag-aral?


Napapanganga ang lahat sa nag-viral na isang estudyante na literal halos inubos na lahat at halos walang itinira sa mga pwedeng makuhang parangal at mga pagkilala mula sa paaralan. Siya ay ang senior high school graduate na si Meckia Mari Villanueva mula Bocaue Bulacan. 

 

Hinakot ng 18-years old bilang batch valedictorian ng Sto. Niño Academy sa Bocaue, Bulacan ang 60 certificates, 30 ribbons at 24 medals sa kanilang commencement exercise.



"Sa wakas, handa nang isulat ang susunod na kabanata. This is Meckia Mari L. Villanueva, with the highest honor to present the batch 2022,"



Humakot din ng malaking atensyon mula sa mga social media platforms maging ng mga mainstream media outlets ang video na inupload ni Meckia ang hindi magkamayaw na pagtaggap niya ng mga awards, tunay na deserve na deserve niya lahat. 


Isang licensed pharmacist ang kanyang ina na huminto sa trabaho upang matutukan mas matutukan ang pangangailangan ng pamilya . Habang nasa isang casino naman nagtatrabaho ang kanyang ama.


Mula primary hanggang sa kasalukuyan ay consistent 1st Honor si Meckia, kung iisipin ay parang subsob siya pinagpupuyatan niya ang lahat kakaaral, pag-aamin niya ay nasa tamang study habit lang ang sekreto niya. 


“I really love receiving academic validation po through my achievements. Been consistent first honor student since I started studying po, mainly aiming for scholarship po to help my family,


"Hindi ko pinipilit yung sarili ko magpuyat para lang mag-aral, para sa akin sapat na yung buong oras ko sa araw at ayokong sagarin yung sarili ko sa gabi, kasi for me parang maliit din yung chance na matututo pag pagod na tayo,"



Ibinahagi din niya ang iilan sa mga nakakasanayan niyang mga study habits na sobrang nakakatulong sa pag-aaral niya. 


"9:00-10:00PM na tulog, medyo maagang pagtulog, para sa maaga-agang paggising. I wake up at 3AM, kapag may mga need na aralin at gawin na medyo kinakailangan ng matinding pag-iisip,"


"May mga studies din kasi nagsasabi na our brain tend to be sharpest early in the morning. Best time din to for me since I can focus with a peacefu atmosphere," 


“I do scan and read lessons multiple times, and I practice advance reading din po for greater retention.”


Aniya ginagawa niya ang lahat ng 'to hindi lang para sa kanyang sarili kundi para makatulong sa kanyang mga magulang. Malaking bagay para kay Meckia ang mga natanggap na mga scholarship mula sa paaralan. 





Kasalukuyan siyang naka-enroll sa University of Santo Tomas sa kursong Bachelor of Science in Biology Major in Medical Biology. 


“Nakakuha po ako ng full scholarship sa UST and qualified rin po as DOST scholar.”


Kasama sa mga iginawad sa achiever na dalaga ang Best in Research Papers and Business Plans at Best Presenter pagdating sa defense.





Bukod sa pamamayagpag niya sa kanyang academics, umani rin siya ng mga special awards and recognitions para sa kanyang extra-curricular activities, isa na ang pagiging student council president niya. 


Narito ang listahan ng mga parangal at pagkilala na natanggap ni Meckia:










***

Source:  Meckia Mari Villanueva

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!