Usap-usapan ang isang lola na nagtatrabaho bilang isang kargador sa pelengke - The Daily Sentry


Usap-usapan ang isang lola na nagtatrabaho bilang isang kargador sa pelengke



 

Larawan mula sa astrophile

Hindi naman lingid sa kaalaman ng bawat isa na ang pagiging 'kargador' ay trabaho lamang ng mga taong malalakas ang pangangatawan na kalimitan ay ginagawa ng mga kalalakihan.

Dahil dito, viral sa social media ang video na in-upload ng isang Facebook fan page na kung saan ay nakunan ang isang matandang babae na nagbubuhat ng mabibigat na karga tulad ng sako at kahon na puno ng laman.

Nakakalungkot isipin na sa halip na nagpapahinga na lamang ang matanda sa kanilang tahanan dahil may edad na ito ay nagtitiis pa itong magtrabaho bilang isang kargador sa palengke dahil sa hirap ng buhay.

Nakakagulat isipin na sa edad ni lola at bilang isang babae ay nakakaya pa nitong magbuhat ng ganitong kabigat na trabaho.
Larawan mula sa astrophile
Hindi naman maiwasan bumilib ang ibang netizen kay lola dahil sa kabila ng katandaan ay hindi nakikitaan ng pagkahina ng katawan at tila nakangiti pa ito habang dahan-dahang binubuhat ang mabigat na sako sa kanyang likuran.

Gayunpaman, mapapansin naman ang kabigatan ng sakong karga ni lola dahil mas malaki pa ito sa kanya at tila punong-puno pa ito ng laman kung kaya naman mapapansin na naglagay ng tela si lola bilang suporta sa sako habang binubuhat niya ito.


Makikitang dahan-dahang nabuhat ni lola ang kanyang karga mula sa kanyang likod na kitang-kita naman ang kabigatan nito dahil sa kanyang pagkakayuko na tila mababale na ang kanyang likuran habang naglalakad ito.

Marami naman sa nakanuod ng video ni lola ang nanghina ang damdamin dahil sa edad ni lola ay nagbubuhat pa ito ng mabigat na bagay para lamang may makain.
Larawan mula sa astrophile
Inulan man ng papuri si lola mula sa mga netizen ay nangibabaw parin ang pagkainis ng iba dahil hinayaan lang ng iba na magtrabaho si lola na sana ay nagpapahinga na lamang ito sa kanilang tahanan.


***