Para kanino ka nagsusumikap?
Ang sarap sa pakiramdam kung alam mo kung para kanino mo iniaalay ang mga bagay o mga pangarap mo na matagal mong pinagsisikapang maabot. Tunay ring walang makakatumbas pa sa saya sa pagkakataong makita ang iyong buong pamilyang puno ng kaligayahan at naging saksi sa iyong tagumpay sa buhay.
Pinaluha ng isang estudyante na si Jellicoe Dumangas Jr. mula sa probinsya ng Agusan del Norte, ang lahat sa kanyang ipinost na larawan habang suot suot ang kanyang sablay at proud na ipinakita ang kanyang diploma sa pagtatapos nito ng senior high sa Cabadbaran City National High School.
"MA, PA, KUYA, GRADUATE NA AKO"
Hindi maitago ng karamihan ang masaktan sa mabigat na imahe ng larawan ni Jellicoe, kasama man niya ang kanyang ama't ina at ang kuya nito, ngunit hanggang sa lugar ng kanilang mga himlayan at sa ala-ala nalang. Gustuhin man niyang maramdaman ang mga yakap ng kanyang mga magulang lalo na sa panahon na may napagtagumapayan siya sa buhay ay hindi niya magawa at maranasan pa.
"Ang lungkot po kasi 'di ko sila mayakap at wala sila sa graduation day ko po,"
Marahil malaking dagok para kay Jellicoe ang mawalan ng pamilya lalo pa't sunod-sunod ang pagpanaw ng mga ito. Makikita sa larawan na magkasunod lang ng buwan ng parehong taong 2017 pumanaw ang kapatid at mama niya, sumunod na taon 2018, nawala naman ang papa niya.
Dahil sa maagang naging ulilang lubos, kasama nalang niya ang ate niya sa buhay. Nawalan man sila ng malaking parte ng pamilya, pinagsuusmikapan parin ni Jellicoe ang ipagpatuloy ang pangarap makapagtapos kahit mahirap, kahit malungkot pinagmamalaki niyang ibahagi ang tagumpay na ito sa kanila.
Nais niyang magpatuloy sa pag-aaral sa kolehiyo at plano niyang kumuha ng kursong criminology. Payo din niya sa kapwa mag-aaral na huwag sukuan ang kanilang mga pangarap kahit pa sa mga katulad niyang wala ng mga magulang.
"Wag kayo susuko sa pag-aaral para sa ating pangarap at para na din sa ating mga magulang. Kahit wala na tayong mga magulang, ‘wag tayo susuko,”
Tiyak, isa ang mga namayapang pamilya ang una sa pinakamasayang nagdiriwang at bumabati sa kanyang pagtatapos.
***
Source: Jellicoe Dumangas
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!