Larawan mula sa BBC |
Hindi lingid sa ating kaalaman na ang langis at gas ay isa sa mga pinakamahalagang likas na yaman sa mundo, ito rin ang isa sa pinakamahalagang sangkap sa pamumuhay ng mga tao, lalong-lalo na ngayon sa modernong paraan ng pamumuhay ng bawat isa.
Alam naman nati na isa ang industriya ng transportasyon at pagmamanupaktura ng ibat-ibang negosyo ay talaga namang umaasa sa produkto ng gas.
Ngunit maniniwala ka ba na mayroon isang bansa na kahit sobrang yaman nila sa gas ay tila parang mahirap pa rin at madami pa rin ang kumakalam na sikmura sa kanila.
Larawan mula sa VIA News |
Larawan mula sa VIA News |
Mapapansin na sa bansang Turkmenistan ay nagkalat sa paligid ang napakaraming kulay puting building na gawa sa marble, ganun din ang mga naglalakihang estatuwa na yari naman sa ginto.
Ito ay larawan ng isang maunlad na bansa dahil hindi biro ang perang ginastos dito para maipatayo ang mga naglalakihang gusali na mga ito.
Ang bansang ito ay isa sa mga pinakamayamang bansa pagdating sa likas na yaman lalong lalo na sa natural gas.
Larawan mula sa BBC |
Larawan mula sa BBC |
Ngunit bakit kaya sa kabila ng mga naglalakihan at naggagandahang inspraktura sa kanilang bansa ay bakit tila kaunti lamang ang mga taong makikita at mabibilang lamang ang mga sasakyan sa mga kalsada.
"The funny thing is, the streets are shockingly empty during the day, almost like a gh@st town." ayon sa mga nakasaksi.
Nakakapagtaka na ang syudad na napaka ganda ay tila walang mga tao sa paligid. Ang tanong ay nasaan ang mga tao sa bansang ito?
Ang bansang Turkmenistan ay isa sa pinakamayaman sa natural na gas sa buong mundo kung kaya naman libre ang gas, kuryente at tubig para sa mga mamamayan doon.
Larawan mula sa BBC |
Larawan mula sa BBC |
Ngunit sa paglipas ng ilang dekada ay hindi inaasahan na ang bansang ito na sobrang yaman sa natural gas ay makararanas ng matinding hirap sa ekonomiya dahil sa hyperinfl4tion.
Mabilis na nagtaasan ang presyo ng mga bilihin at dahil dito ay mabilis din ang pagbaba ng halaga sa kanilang pera.
Dahil dito ay nagkaka-ubusan na rin ang mabibili na produkto sa kanilang lugar sa katunayan ay kailangan mo pang pumila upang makabili ng iyong nanaisin.
Hindi lang ito ang kanilang hirap na nararanasan dahil ang kanilang gobyerno ay ipinatigil na rin ang libreng gas, kuryente at tubig para sa mga residente doon.
Nadagdagan pa ang hirap na kanilang nararanasan noong maranasan ng buong mundo ang P4ndmya.
Marami naman ang dahilan kung bakit humantong sa ganito ang kanilang bansa, kasama na ang problema sa Agrikultura, k0r4p na Gobyerno, kakulangan sa pondo at mababang bilang ng turismo.
Dahil kulang sila sa pondo ay hindi nila mapaunlad ang kanilang sariling produkto kahit na mayaman sila sa natural gas.
Upang mapakinabangan at makapag-export ng gas sa ibang bansa ay kailangan kasing makagawa ng tinatawag na gas pipe at malaking pondo ang kinakailangan dito.
Dahil sa nararanasan ngayon ng kanilang bansa ay natakot na ang mga investors na mag-invest sa kanila kung kaya naman hirap na makaahon ang bansang ito.
Matagal na pinamunuan ng dikt4dor na si Saparmurat Niyasov na kilala rin sa bansag bilang si Turkmenbashi.
Larawan mula sa BBC |
Larawan mula sa BBC |
Tila naging hobby kasi ni Turkmenbashi na magpatayo ng mga naglalakihang mga inspraktura at monumento, ganoon na rin ang kanyang ibat-ibang estatuwa na yari sa ginto.
Bilyong-bilyong dolyar ang ginastos noon ng bansang Turkmenistan para maipatayo ang mga nasabing gusali, ngunit sa kabila nito ay bakit tila walang tao ang nakatira dito.
Ayon kasi sa pag-aaral ng ilan ay mas inuuna umano ng gobyerno ang pagpapaganda sa imahe ng bansa kaysa paunlarin ang buhay ng bawat mamamayan sa kanila.
Nakakalungkot isipin na mas inuuna pa ng kanilang gobyerno ang pagpapatayo ng mga mamahaling inspraktura kaysa sa pagkain ng bawat pamilya sa lugar.
***