Sila Pala Ang Pinakamayamang Pulubi Na May Milyones Na Pera - Nakakabilib Ang Kanilang Diskarte - The Daily Sentry


Sila Pala Ang Pinakamayamang Pulubi Na May Milyones Na Pera - Nakakabilib Ang Kanilang Diskarte



 

Larawan mula sa alarabiya

Talaga nga namang nagkalat na saan mang sulok ng mundo ang mga taong namamalimos ng pera sa mga gilid ng kalsada. Yung iba ay ginagawa ito upang makabili ng pagkain at inumin at yung iba naman ay para may pambili ng kanilang gamot.


Karamihan sa mga ito ay wala ng inuuwiang bahay at natutulog na lamang sa mga gilid ng lansangan, kung kaya naman nakakaawa din ang kanilang kalagayan.

Larawan mula sa Times Now

Larawan mula sa Times Now

Ngunit nakakagulat na malaman na mayroon palang mga pulubi sa mundo na sa kabila ng kanilang nakakaawang itsura ay milyon-milyon pala ang kanilang hawak na pera at mayroon ding mga gusali at apartment na kanilang pagmamay-ari.


Dahil sa araw-araw nilang diskarte sa panlilimos sa mga dumadaang tao sa kanilang harapan ay nakakamangha na malaman na napabilang sila sa listahan ng mga milyonaryong tao sa buong mundo.


Sadya nga namang napaka-hirap paniwalaan ngunit ang mga taong ito ang magpapatunay na hindi lahat ng pulubing nanlilimos sa gilid ng lansangan ay kumakalam ang sikmura.


Una sa listahan ng mga pinakamayamang pulubi sa buong mundo ay si Eisha na isang bulag na matandang babae na ang edad ay 100 years old kung saan ay namamalimos siya sa bayan ng Jeddah sa Saudi Arabia.

Larawan mula sa alarabiya

Larawan mula sa alarabiya

Suot-suot ni Eisha ang damit na parang basahan habang nakaupo ito sa gilid ng kalsada habang namamalimos.


Nagdaan ang panahon at sumakabilang buhay na ang matanda at nagulat ang lahat at namangha sa kanilang nalaman na hindi naman pala siya ganun kahirap tulad ng kanilang inaakala.


Napag-alaman kasi na mayroon pala siyang 3 milyon Saudi riyal o mahigit 40 milyon sa peso at mayroon din siyang mga alahas na nakatago at hindi lang yan dahil nagmamayari din siya ng apat na gusali.


Noong nawala siya ay nakasulat sa kanyang last will na ibigay ang mga ito sa mga taong mahihirap na kanyang mga nakilala noong siya ay namamalimos sa kalsada.


Ang pangalawa naman pinakamayamang pulubi sa buong mundo ay si Krishna Kumar Gite na nagmula sa India.

Larawan mula sa alarabiya

Larawan mula sa alarabiya

Gaya ng ibang pulubi ay nagsusuot din siya ng punit-punit na damit na mukhang basahan upang sa ganun ay magmukha siyang kaawa-awa sa paningin ng ibang tao.


Ganun pa man, nakakatawang isipin na mas malaki pa ang kanyang kinikita bawat araw sa panlilimos kaysa sa mga taong nagbibigay sa kanya ng pera.


Ayon sa balita, bawat araw ay kumikita si Krishna ng 1,500 european dollar o nagkakahalaga ng mahigit 80,000 sa peso kung kaya hindi naman talaga maituturing na isang mahirap ang pulubing si Krishna.


Pangatlong pinakamayamang pulubi sa buong mundo ay si Simon Wright ay isang beteranong manlilimos. 

Larawan mula sa alarabiya

Larawan mula sa alarabiya

Bawat araw ay nasa kalsada siya upang manlimos sa bayan ng London at ang diskarte naman niya ay nakapwesto siya malapit sa ATM machine at kung minsan naman ay sa mga lugar na madaming turista upang mas mas madami ang kanyang kitain.


Katulad ng ibang manlilimos ay punit-punit din ang kanyang damit at kasama nito ang kanyang alagang aso.


Kahit na pinagbawalan na siya na mamalimos sa London ay ipinagpatuloy pa rin niya ito at ngayon ay isa na siya sa listahan ng mga pinakamayamang pulubi sa buong mundo.


Ang pang apat naman ay si Bharat Jain, siya ang tinaguriang pinaka mayamang pulubi sa India. Araw-araw ay nakalimos siya ng 2,000 hanggang 2,000 earopean dollar.

Larawan mula sa alarabiya

Larawan mula sa alarabiya

Ayon sa kanila ay ang panlilimos ay kinakailangan ng mahabang oras at pasensya ngunit sulit naman daw ito pag oras na ng bilangan ng pera na galing sa kanilang nilimosan. 


Talaga nga naman na pinatunayan nila na hindi lahat ng nakakaawa ang itsura ay mahirap.


***