Lahat tayo ay nakararanas ng hirap at pagsubok sa buhay. Ang iba ay mas malala pa ang pinagdaraanan. Ngunit hindi sila sumusuko sa hamon ng buhay.
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Katulad na lamang ng isang sanggol na iniwan noon sa basurahan ngunit ngayon ay isa ng successful at milyonaryo.
Ito ang kwento ni Freddie mula sa Florida, USA.
Kung pag-uusapan ang pagsubok, isa na si Freddie sa talagang nakaranas nito. Taong 1989 siya ipinanganak. Pagkasilang na pagkasilang sa kanya ay agad umano siyang iniwan sa basurahan at itinapon na parang basura.
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Ang mga sanggol ay inosente at walang ka alam-alam. Kailangan nila ng pag-aaruga at pagmamahal habang lumalaki.
Mabuti na lamang at may nakakita kay Freddie at agad itong inireport sa mga pulis. Agad naman siyang dinala sa isang bahay ampunan.
Matapos ang ilang taong pananatili ni Freddie sa bahay ampunan, isang mabuting pamilya ang umampon sa kanya, ang Figgers family.
Ipinakita at ipinaramdam nila ang pagmamahal at pag-aaruga kay Freddie na matagal na niyang hinahanap.
Simula bata ay nakitaan na si Freddie ng pagiging matalino at malikhain. Kailangan lamang niya ng suporta ng pamilya upang tuluyang lumabas ang kanyang potensyal.
Noong siya ay 9-years-old, binilhan siya ng kanyang ama ng computer. Doon nagsimulang ma-develop at kakayahan ni Freddie.
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Sa isang interview, sinabi ni Freddie na kaya raw siya binilhan ng computer ay upang makaiwas ito sa mga gulo at barkada.
“He thought that a computer might help to keep me out of trouble,” saad ni Freddie.
Di gaya ng ibang bata, hindi paglalaro ang inatupag ni Freddie sa kanyang computer. Bagkus ay mas naging interesado siya kung papaano ito gumagana.
Mas gusto niya itong kalasin at buuin. Dito raw niya nalaman ang silbi ng bawat piyesa ng computer.
Sa edad ng 13, sinubukang pumasok ni Freddie sa isang computer repair company.
At sa edad na 15, nakapagpatayo na siya ng sarili niyang computer repair company.
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
“I wouldn’t recommend my path to everyone,” sabi niya.
“But it worked for me. When I was 17, I had 150 clients that needed websites and storage for their files. I just kept building from there,” dagdag niya.
Dahil sa kanyang pagiging mahilig sa technology, nais ni Freddie na maka-imbento ng gadget na makakatulong sa kanyang ama na mayroong Alzheimer’s Dis*ase.
Sa kanyang pagsisikap, nakagawa siya ng maliit ng GPS tracker na maaaring ilagay sa sapatos.
Photo credit: freddiefiggers IG
Photo credit: freddiefiggers IG
Dahil dito ay nalalaman ni Freddie kung nasaan ang kanyang ama at nakakausap rin niya ito sa pamamagitan ng sapatos.
“I created a device that I could insert in his shoe that would allow me to track him, plus talk to him through his shoe.”
“It was difficult to watch him decline — it’s something you never forget.”
“I’ve always been so grateful to him and my mom. They taught me not to let my circumstances define who I was.”
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Photo credit: freddiefiggers IG
Dahil sa pagmamal na ipinaramdam sa kanya ng mga taong umapon sa kanya, naging matagumpay si Freddie.
Ang dating sanggol na iniwan sa basurahan at muntik ng mawala o mapariwara ang buhay ay isa ng milyonaryo ngayon.
Ang kanyang GPS tracker/program ay kumita ng milyon milyong dolyares.
Freddie Figgers / Photo credit: freddiefiggers IG
Photo credit: freddiefiggers IG
Sa edad na 33, talaga namang successful na si Freddie at ngayon ay may-ari ng kompanyang Figgers Wireless.
Ipinangalan niya ito sa apelyido ng pamilyang umampon sa kanya.
Nagtayo rin siya ng charitable foundation at tinawag itong “The Figgers Foundation.”
***
Source: Relationship Rules