Ruffa, may bagong pasaring: “Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila...” - The Daily Sentry


Ruffa, may bagong pasaring: “Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila...”




 

“Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila.” Ito ang panimulang mensahe ni Ruffa Gutierrez sa kanyang social media account na tila pinaparinggan ang mga naninira sa kanya
 
“Let’s practice the art of deadma. Sending love and light your way!” dagdag pa ng aktres sa kanyang trending post

 
Samantala, kasunod ng kanyang post na ito ay binahagi naman ni Ruffa ang magandang balita na kanyang natanggap ngayon araw.
 
“I just received 2 new offers today. Plus a throng of good news. Binabato tayo ng putik pero patuloy na pumapasok ang blessings.” ayon sa caption ng kanyang post
 
Payo pa ng aktres sa kanyang mga followers, maging matatag sa gitna ng pagsubok.
 
“For those who are going through a difficult time, rise above the storm and you will find the sunshine.” aniya


 

Maalalang nagkaroon ng sagutan sa Twitter si Ruffa at ang dating Comelec commissioner na si Rowen Guanzon.
 
Nagsimula ito nang mag-post ang dating opisyal ng Comelec tungkol sa kasambahay na pinalayas at kinailangan pa daw iligtas ng kaibigan ni Guanzon dahil pinaalis ang mga ito nang walang sweldo.*
 
Bagama’t hindi pinangalanan ni Guanzon ang nasabing amo na nagpalayas ng kasambahay, nitong July 8 ay tinanong niya si Ruffa sa isang tweet; “Ms. Ruffa Gutierrez, is this true?
 
Agad naman nagbigay ng pahayag ang aktres at pinaliwanag ang totoong nangyari.


Larawan mula sa Business World Online


 
“Let me make it clear po: I did NOT fire anyone. They wanted to leave on their own accord. I have rarely been home shooting everyday, all day, all night for #MaidinMALACANANG- You should watch BTW. You’re gonna love it.” Ani Ruff ana nag imbenta pang panoorin ang kanyang parating na pelikula

 
"Nang-aaway po sila sa ibang mga kasamahan sa bahay ng wala po ako. They were demanding to leave the house, which I said they were able to do AFTER I returned home from work, so I could talk to them before they leave." aniya pa