Ruffa Gutierrez sinagot ang tanong ni Atty. Guanzon patungkol sa dalawang kasambahay na pinalayas umano sa village - The Daily Sentry


Ruffa Gutierrez sinagot ang tanong ni Atty. Guanzon patungkol sa dalawang kasambahay na pinalayas umano sa village



Idinaan ni Attorney Rowena Guanzon sa Twitter ang kanyang tanong patungkol sa dalawang kasambahay na pinalayas umano sa isang village.
Ruffa Gutierrez and Atty. Rowena Guanzon / Photo credit to the owner

Sa kanyang unang tweet, ikinuwento nito kung papaano ni-rescue ng kanyang kaibigan ang dalawang kasambahay na pinalayas sa isang first-class village.

"My friend has to rescue two household helpers who were thrown out of a first class village by their employers without paying their salaries. Where is your compassion?" 

Sa kanyang pangalawang tweet, tinanong ni Guanzon ang aktres na si Ruffa Gutierrez kung totoo ba ang mga ito?

"Ms Ruffa Gutierrez is is true?"

Ipinost din ni Guanzon ang kanyang tweet sa kanyang Facebook account at nangakong ipaglalaban ang dalawang kasambahay.

"Marangal ang trabaho ng isang kasambahay. sila ang nagpapanatili ng kalinisan at kaayusan sa ating mga tahanan. Nakakagalit! Ipaglalaban ko kayo!”

Samantala, agad namang sumagot si Ruffa sa tweet ni Guanzon ang ipinaliwanag ang dahilan ng pag-alis ng dalawang kasambahay.
Ruffa Gutierrez / Photo credit to the owner
Ruffa Gutierrez / Photo credit to the owner

Ayon kay Ruffa, dalawang linggo pa lamang sa kanila ang dalawang kasambahay ngunit nang-aaway na ito ng ibang kasama sa bahay.

Nakipag-away umano ang mga ito sa kanyang mayordoma na 68 taong gulang at 18 taon nang nagtatrabaho sa kanila. 

“The 2 new kasambahays who have been in our household for only around 2 weeks were fighting our 68-year old senior mayordoma (who has been under my care for more than 18 years).”

Nangyari umano iyon habang nasa trabaho ang aktres kaya minabuti ng kanyang staff na tumawag ng security para masigurado ang kaligtasan ng mga anak ni Ruffa.

“There was a situation at home while I was shooting on the set of “Maid In Malacañang”, so my staff had to call security to make sure my children were safe.”



***
Source: KAMI