Proud Anak, iniaalay ang pagtatapos sa kolehiyo sa inang may problema sa pag-iisip - The Daily Sentry


Proud Anak, iniaalay ang pagtatapos sa kolehiyo sa inang may problema sa pag-iisip





Wala ng mas at pinakamasaya sa lahat sa tuwing inihahandog ng mga anak ang bunga ng kanilang pagsusumikap sa pag-aaral sa kanilang mga magulang. 


Bumuhos ang emosyon ng lahat ng mga nakakanuod sa ibinahaging video na nag viral sa lahat ng social media platforms tungkol sa isang anak na inihandog ang kanyang tagumpay sa pagtatapos sa kanyang pinakamamahal na ina. 


Inupload ni Ramon Christian Sistoso ang muling pagtatagpo nila ng kanyang ina, bitbit ang mga medalya at ang kanyang graduation photo patunay na pagpapakita niya ng pasasalamat, pagmamahal at pagpapahalaga sa inang may pinagdadaanang sakit sa pag-iisip.



Nagtapos si Ramon sa kursong Bachelor of Science in Criminology sa Sibugay Technical Institute Inc., na ilang taon niyang pinagsisikapang maabot alang-alang sa kanyang Mama na si Isabel. 



"I salute to the people who give me an inspiration and gratification. This is the happiest thing that happened in my life despite of hardship and sacrifices that i encountered. I would like to express my gratitude to my family for making me inspired to pursue my goal in life," aniya.


Makikita sa video ang labis na saya sa mukha ng isang anak na makitang muli ang ina, suot-suot ang kanyang uniporme ng pagpupulis at nasasabik na ihandog ang kanyang pinaghirapang diploma. 


Makikita rin kung paano tila nagtatago at parang nahihiya ang Mama niya sa likod ng isang malaking puno. 


Nang isinabit na ni Ramon ang kanyang medalya at ipinakita ang kanyang graduation photo sa ina, may pagtataka man sa nangyayari ngunit isang matamis na ngiti ang binitawan nito, marahil ramdam niya ang tagumpay ng anak. 



"Noong panahon na yun ay nag decision ako na i surprised ko ang mother ko kasi minsan lang kami nag kikita at hindi nya alam na ga gradute na ako kaya sinuotan ko sya ng medal at dinala ko na rin yung frame ko  para maniwala sya, kaya ayun sobrang natuwa sya sa nakita niya,"


Aminadong nahihirapan siya dahil kailangan niyang iwanan ang ina para sa pag-aaral. At para matustusan ang iba pang mga gastusin  at pangkain niya ay pumasok siya bilang waiter at umeekstra din sa isang gas station bilang gasoline boy. 


Ang pinagdadaanan ng ina ang isa sa mga ginawa niyang motibasyon sa pag-abot ng pangarap dahil lahat ng pagsisikap at ginagawa niyang paglaban sa mga hamon ay nilalaan at iniaalalay niya sa ina at hindi siya mapapagod mahalin at alagaan ito kung paano siya inaalagaan nito noon. 





"Ipinagdarasal ko palagi ang kagalingan niya. Hiniling ko na sana maka-akyat ang nanay ko sa stage kasi lahat naman ng pagsisikap ko sa pag-aaral ay para sa kanya, sa pamilya ko at sa lahat ng sumusuporta sa akin,"


"Kung ano yung binigay sa akin na pagmamahal bilang anak, yun din ang pagmamahal na ibalik ko sa kanya."


Kahit pa wala sa katinuan at saktong pag-iisip ang Ina, hindi niya ito kailanman man ikinakahiya, bagkus iya pinupuno niya ito ng pagmamahal at atensyon na kailangan nito. 





"Di ko ikinakahiya kung anong sitwasyon niya ngayon. Wala tayo dito sa mundo kung wala yung mga Ina natin," 


Aniya nag-ugat ang pinagdaraanang sitwasyon ng ina nang malaman nitong may iba na palang asawa at mga anak ang tatay ni Ramon noong siya'y walong taong gulang pa lamang. Hindi umano nakakakayanan ni Aling Isabel ang sobrang lungkot at sakit sa pag-iwan noon ng ama niya. 




Ikinunsulta narin umano nila ito sa Doktor ngunit dahil sa kawalan ng pinansyal na pangangailangan ay hindi na naipagpapatuloy pa ang kailangang gamutan ng ina.  



Marami ang nahabag sa sitwasyon ng nanay Ramon at kagaya niya nagpakita ang lahat ng suporta at pagmamahal na sana ay gumaling na ito sa sakit. Pinupuri rin si Ramon ng mga netizens na humanga dahil sa kanyang patuloy na pag-aalaga at pagpoprotekta sa ina. 




"Maraming salamat😊 sa lahat ng tao, na na inspired, alam kong maraming kabataan ang gusto maka pagtapos sa pag aaral kaya pag bitihin niyo mabuti,"


***

Source:  Ramon Christian Sistoso

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!