Project na parol ng bata, tinanggihan ng guro dahil pangit daw ito, ina ng bata naglabas ng saloobin - The Daily Sentry


Project na parol ng bata, tinanggihan ng guro dahil pangit daw ito, ina ng bata naglabas ng saloobin



 

Larawan mula kay Tita Martinez
Sa tuwing sasapit ang kapaskohan, madalas ay nagpapagawa ng proyekto ang mga guro sa kanilang mga estudyante ng mga dekorasyon sa paaralan tulad ng parol.

Ginagawang dekorasyon o palamuti sa paaralan ang mga parol na ipinapasa ng mga estudyante sa kanilang guro upang maging kaaya-ayang tignan at madama ang paparating na kapaskohan.

Ganun pa man, nag-viral ang isang post ng isang ina matapos nitong ilabas ang kanyang saloobin sa guro ng kanyang anak.

Ayon kasi sa Facebook post ni Tita Martinez, minaliit at nilait lang umano ng guro ng kanyang anak ang ipapasa sana nitong parol para sa kanilang paaralan.

Dahil sa gawang plastik na parol, hindi umano ito tinanggap ng guro at sinabi pa nitong nakaka-disbeauty o hindi magandang tignan sa silid aralan ang ipapasa sanang parol ng bata.
Larawan mula kay Tita Martinez
Ayon kay nanay Martinez na siyang ina ng bata, pinagsikapang gawin ng kanyang anak ang parol na gawa sa plastik na bote tapos hindi lang pala tatanggapin ng kanyang guro.

Kaya naman, lubos umano na nalungkot ang kanyang anak na naluha pa habang nagsusumbong ito tungkol sa ginawa ng kanyang guro.

Nang tinanong umano ni Martinez ang kanyang anak kung bakit hindi ito tinanggap ng kanyang guro ay sumagot itong hindi niya alam basta sinabi lang ng kanyang guro na 'nakaka-disbeuty' lamang ito.

Tila napahiya daw ang kanyang anak sa harap ng kanyang mga kaklase.

Sinabi din ni nanay Martinez na mas pinaburan ng guro ang mga gawa ng mga kaklase ng kanyang anak na halatang binili at ginastusan ng pera.

"Paeta...unta Maam nagsulti mo nga contest na...pinanindotay...padakoay sa gasto kay looy kaayo ang gibati sa bata." ayon kay nanay Maritez.
Larawan mula kay Tita Martinez
(Ang pait.. Sana Ma'am sinabi mong contest pala yun.. pagandahan at palakihan ng gastos kasi kawawa talaga yung bata.) ayon kay nanay Maritez.

"Bahala na lang untag inyong ibitay sa suok dapit basta kay di lang unta balibaran ang gihagoan ug himo....giingnan pa gyod sa maestra nga...nagsagbot sagbot man lang na diri sa room....haay....paeta nimo Maam.." saad ni Maritez.

(Bahala nalang sana kahit ilagay n'yo nalang sa sulok basta't wag nyo lang hindi-an yung pinaghirapan ng bata. Tapos sinabihan n'yo pang nagkakalat lang yan sa silid-aralan ninyo. Napaka-pait ho talaga Ma'am) saad ni Maritez.

Dagdag pa ni nanay Maritez, sinabihan pa umano ang kanyang anak na para lamang sa bahay kubo ang ginawa nitong parol.

"Sakita jd sa ako dughan nagpaminaw sa akong bata...lami unta ihilak sa iya atubangan pero ako lang gyod gipugngan kay nitulo jd iya luha nga nagsulti nako..." ayon kay nanay Maritez.

(Ang sakt sa dibdib habang nakikinig ako sa anak ko. Para na akong iiyak sa harapan niya ngunit pinigilan ko na lamang na tumulo ang luha ko habang kinakausap ko ang anak ko.) ayon kay nanay Maritez.
Screenshot mula kay Tita Matinez
Screenshot mula kay Tita Matinez

****

Source: Tita Martinez / Facebook