Namamayagpag ang angking galing ng mga manggagawang Pilipino sa buong mundo. Kilala hindi lang sa pagiging masipag at hindi matatawarang galing sa kahit anumang larangan, kundi maging ang katapangan ay angat sa lahat.
Mula sa halos 1.5million ka mga empleyado na nagtatrabaho sa National Health Service (NHS) sa England, isang Pinay Nurse lang naman ang namamayagpag at namumukod tangi ang galing.
Dahil sa ipinakitang angking dedikasyon at kagitingan, gagawaran ng pinakamataas na pagkilala at parangal si May Parsons, isang Filipina nurse na gumawa ng kasaysayan bilang pinakaunang nangasiwa sa pagbigay ng pinakaunang C0vid v@ ccine noong December 8, 2020.
Makakatanggap si May ng George Cross award for gallantry, the highest civilian award na ipagkakaloob ng British government para sa "acts of the greatest heroism or of the most conspicuous courage in circumstances of extreme danger." Ito ay katumbas ng Victoria Cross award.
“I am humbled and honoured to be representing the NHS with Amanda when we are awarded the George Cross—it takes hundreds of thousands of us to make the NHS what it is today and I am so grateful to be part of and attending this prestigious event on behalf of such a wonderful team of people—from nurses, doctors, healthcare assistants to many, many others,” pahayag ng pinay.
“The George Cross is a fitting tribute to them all,”
Nagtapos si May ng kanyang nursing degree sa University of Santo Tomas (UST) - Manila at nagtatrabaho sa UST Hospital bago pa man nakahanap ng oportunidad makapagtrabaho sa UK taong 2013.
Ang George Cross ceremony ay nakatakdang igawad sa Windsor Castle sa Martes, July 12 na pangungunahan mismo ni Her Majesty Queen Elizabeth II at ng His Royal Highness Prince Charles The Prince of Wales.
Walang mapagsidlan ng kanyang pasasalamat at isang karangalan para kay May ang irepresenta ang katapangan at buong pusong dedikasyon ng kanyang mga kasamahan sa pagbibigay serbisyo sa panahon ng pan demya.
"I'm deeply honoured to represent the wonderful and dedicated people within the NHS and Social Care who has shown up everyday to care for our people and communities despite the challenges and sacrifices we've had to take posed by the P@n demic," saad niya sa kanyang social media post.
"We remember our fallen colleagues who has given the ultimate sacrifice and I cannot be more proud of our achievements as a whole. The George Cross is a fitting tribute as we continue to fulfil our pledge to care and to serve our communities," dagdag niya.
Humanga rin ang Chief Executive ng NHS na si Amanda Pritchard, isa sa pagkakalooban din ng parehong parangal sa kagalingan ng pinay nurse.
“May is one of hundreds of thousands of our fantastic members of staff that have served the country with compassion and dedication throughout the p@n demic and over the last 74 years.
“The world watched when May administered the first ever C0 vld v@-ccine outside of clinlcal trlals to Maggie Keenan in Coventry a year and a half ago, kicking off the largest and most successful v@ ccination programme in NHS history.
“I am delighted that May will join me for this momentous occasion – it will be another day for the history books for the NHS.”
***
Source: GMA News
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!