"Para siyang nakagat ng asong ulol" - Ina, nabahala sa sinapit ng anak dahil sa sobrang pag-cellphone - The Daily Sentry


"Para siyang nakagat ng asong ulol" - Ina, nabahala sa sinapit ng anak dahil sa sobrang pag-cellphone



  

Larawan mula kay Lilibeth Eulin

Viral sa social media ang post ng isang ina na si Lilibeth Eulin, matapos niyang ibahagi ang kakaibang nangyari sa kanyang anak na binatilyo na si Robin dahil umano sa labis na paggamit ng cellphone.


Ayon sa Facebook post ni mommy Lilibeth, nagtaka siya sa kakaibang ikinikilos ng kanyang anak dahil naging pawisin daw ito kahit naka bukas naman ang aircon at panay daw ang reklamo nito na nahihilo.

Kwento pa nito, hindi din daw mapakali ang kanyang anak at panay ang tayo at upo nito na tila hindi malaman ang kanyang gagawin.
Larawan mula kay Lilibeth Eulin
"It happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo." ayon kay mommy Lilibeth

Naisip pa nga ni mommy Lilibeth na baka nakagat ng aso ang kanyang anak dahil halos parehas ang sintomas ng mga taong nakagat ng aso, ngunit itinanggi naman ng kanyang anak na nakagat siya.

"Para syang nkagat ng asong ulol..kya tinanong ko sya kung takot sya s tubig,hangin at ilaw..pero d nman daw,so iba tlga nararamdaman nya." kwento ni mommy Lilibeth

Larawan mula kay Lilibeth Eulin
Dahil dito ay nagdesisyon na si mommy Lilibeth na isugod sa ospital si Robin para malaman ang dahilan ng pagkabalisa ng kanyang anak.

Ayon sa doktor, normal naman daw ang blood pressure ni Robin at agad itong binigyan ng gamot pampawala ng hilo kung kaya naman nawala na rin ang pananakip ng dibdib at pagpapawis ng anak.

Ganunpaman, pinayuhan ng doktor na obserbahan muna si Robin ng tatlong araw at doon na nalaman ni mommy Lilibeth na ang dahilan umano nang kakaibang nanyari sa anak ay dahil sa sobrang paggamit ng gadgets.

Sinabi ni mommy Lilibeth na ngayon lang niya napatunayan na masama talaga ang sobrang paggamit ng cellphone dahil sa radiation na dulot nito.

"To make the story short nakuha po ng anak ko ang kakaibang sakit dahil sa sobrang paggamit ng cellphone..opo totoo nga po pala ung mga nababasa ko akala gawa gawa lng dahil naranasan ng anak ko.." ayon kay mommy Lilibeth

"Masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation...bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po.." ayon pa kay mommy Lilibeth
Larawan mula kay Lilibeth Eulin

Magsilbi sanang aral ito sa iba, bata man o matanda dahil gaya nga ng kasabihan, anumang labis ay maaaring makasama saiyo.

Larawan mula kay Lilibeth Eulin


Basahin ang buong post ni mommy Lilibeth sa ibaba:

"just for public awareness

"pls take time to read:

"it happened last night..patulog n kmi kagabi ng biglang tumayo ang anak ko n para syang nababaliw..pinagpapawisan samantalang nkabukas ang aircon..tayo upo tayo upo kamot ulo..then biglang nagsalita;

"robin-"mommy d ako makahinga,nagsisikip dibdib ko,natatakot ako,dko alam nararamdaman ko,nasusuka ako,nahihilo...

"i thougt jinojoke nya lng ako although ilang araw ko ng napapansing sumasakit sakit n ulo nya at nahihilo...then tatayo uupo maglalakad kakamot ng ulo hawak hawak ang dibdib...at talagang maputla n sya at matindi ang pagpapawis while the aircon was actually on...at bilang ina anlakas ng kaba ng dibdib ko s nakikita ko s kanya...iba as in ibang iba ang pinapakita nya kya natakot ako...iniisip ko bka bigla syang tumalon s bhay(5th floor kami) kya natakot tlga ako kc para syang nkagat ng asong ulol..kya tinanong ko sya kung takot sya s tubig,hangin at ilaw..pero d nman daw,so iba tlga nararamdaman nya..at bilang ina natakot din ako s inaasal nya as in 1st time kong nakitaan sya ng ganun..kya dinala nmin sya s ospital at that time(12 midnight)...
Larawan mula kay Lilibeth Eulin
"normal ang bp ayun s doktor.. binigyan sya ng gamot pampakalma at pampawala ng hilo ng doktor..after an hour awa ng Dios nwala wala ang sakit ng dibdib,pagpapawis,pagkahilo at panlalamig...

"so under observation sya for 3 days at nid ng pahinga...

"to make the story short nakuha po ng anak ko ang kakaibang sakit dahil sa sobrang paggamit ng cellphone..opo totoo nga po pala ung mga nababasa ko akala gawa gawa lng dahil naranasan ng anak ko..

Larawan mula kay Lilibeth Eulin
"just posted this just to give u a warning...masama po tlga ang sobrang gamit ng cp dahil s radiation...bawal din pong itabi s pagtulog ang cp at ilagay s may ulunan..God bless po..

***