Pag-iibigan ng isang binatilyo at 71-anyos na lola, umani ng ibat-ibang reaksyon - The Daily Sentry


Pag-iibigan ng isang binatilyo at 71-anyos na lola, umani ng ibat-ibang reaksyon



  

Larawan mula sa Talescart

Age doesn't matter ayon nga sa kasabihan ng ilan saatin ngunit sa sitwasyon ng dalawang nag-iibigan na ito na isang menor-de-edad at isang senior citizen ay tila hindi nga naman maipinta ang kakaiba nilang relasyon.


Ganoon pa man ay ipinamalas ng dalawang magkarelasyon na ito na kailanman ay hindi hadlang ang edad kapag kayo ay tunay na nag-iibigan dahil isang 16-anyos na lalake ang tila malakas ang tama sa isang 71-anyos na babaeng matanda.


Kung iisipin ay parang mag-lola na ang dalawang ito kung kaya naman madalas ay madami ang nagtataas ng kilay sa relasyon ng binatilyong si Selamet at ng asawa niyang si Rohaya.

Larawan mula sa Talescart

Sa kabila ng mga nega na komento na kanilang natatanggap mula sa ibang tao ay nakakabilib na nanantili parin na maganda ang pagsasama ng dalawa.


Ayon sa balita, noong umpisa ay hirap silang makumbinsi ang kanilang pamilya na pumayag sa kanilang pag-iisang dibdib ngunit sa bandang huli ay tinanggap na lamang nila ang pag-iibigan ng dalawa.


Pahayag pa ng dalawa ay mas nanaisipin pa umano nilang mawala na lamang sa mundo kaysa paghiwalayin silang dalawa ng kani-kanilang pamilya.


Nanatiling matatag ang paninindigan ng mag-asawa sa kabila ng 55 taon na agwat ng kanilang edad.

Larawan mula sa Talescart

Agad na nagpakasal ang dalawa upang tuluyan nang walang makapigil sa kanilang pag-iibigan.

Larawan mula sa Talescart

Sa pagpapatuloy ng kanilang pagsasama ay mayroon mga bali-balitang pina-padlock umano ni Selamet ang kanyang asawa na si Rohaya sa kanilang tahanan sa tuwing siya ay aalis.


Ayon kay Selamet, ginagawa umano niya ito dahil na rin sa matinding selos na baka umano maagaw ng iba ang pinaka-mamahal nitong asawa na si Rohaya.


Marami din ang nakakapansin na si Selamet ang palaging nakadikit kay Rohaya at madalas pa daw umano itong lumiban sa pagpunta sa Mosque upang magdasal na kinagisnan na ng mga lalaking Muslim.


“I have reminded him to diligently pray. I told him to remember the village leader’s words. If it is Friday, then he must go to the mosque to fulfill his Friday prayers. He even invited me to go with him.” ayon kay Rohaya.


Ibinabalita na rin ni Selamet na nais na niyang magkaroon ng anak sa 71-anyos na asawa at sa sobrang pananabik ay nakapili na rin siya ng maaaring ipangalan sa kanilang anak kung sakali.


“I want my daughter to be named Putri Permata Sari and my son to be named Andre Maulana.” ayon kay Selamet.

Larawan mula sa Talescart

Tila tikom bibig naman ang ilan kung paano sila makakagawa ng anak dahil na rin sa edad na 71 ni Rohaya.


Ilang beses na rin umanong naisugod si Rohaya dahil umano sa sobrang pagod.


Ayon pa sa magka-sintahang ito ay hindi umano nila makakayang mabuhay na wala ang isa't-isa sa kanilang piling. 


***