Maraming mga sitwasyon o pangyayari ang maaaring makakasira sa matagal ng samahan at magandang pagkakaibigan. May mga dahilan din na kapagka nasira na ay mahirap ng buuin ulit at ibalik sa kung ano ang meron dati. Lalo na pagka ang tiwala ang nasira dahil lang sa pera at pagkakautang, nasisira pati ang pangalan at reputasyon.
Tahasang ipinost online ni Keneth John Bangero ang kanyang kinakaharap na problema at kunsumisyon ngayon dahil sa umano'y kapabayaan ng dalawa niyang malapit na kaibigan, noon. Dahil hindi lang basta pangalan niya ang nasisira, kundi maging ang kanyang trabaho na inaasahan niya para sa kanyang pag-aaral ay nadadamay na.
Napuno na si Keneth sa umano'y hindi pagbabayad ng utang ng mag-asawang tropa niya kaya't ipinost at pinangalanan niya na ang mga ito. Ibinahagi rin niya ang mga screenshots ng mga usapan nila bilang pruweba sa kung paano siya pinangakuan sa utang na sa kanya nakapangalan.
Kwento niya, humingi ng pabor sina Arjay Cabañog at Bianca Brown na siya ang mangungutang para sa kanila sa isang kilang financial institution gamit ang kanyang pangalan at ID, dahil hindi umano sila naaaprubahan gamit ang kanilang sariling pangalan at dokumento.
"Nagtiwala ako sa inyo na gagamitin ninyo ang pangalan at ID ko para lang ma-approve kayo sa Home Credit kasi kung kayo ang mag-apple hindi kayo naaaprubahan,"
"Ipinost ko na kayo nung month of May, pero nangako kayo na 'babayaran namin yan pre, i-delete mo lang yung pinost mo baka kasi makita sa mama ni Bianca' kaya dinelete ko,"
Sa una ay okay pa daw ang pagbabayad ng dalawa sa kanilang loan, hanggang nagsimula ng naantala ang kanilang pagbibibgay ng bayad sa kanya bilang sa kanya nakapangalan ang inutang na pera. Pinapalampas lang niya noon, hanggang sa nagsunod-sunod na umano ang mga buwan na tila siya ang namroroblema dahil siya ang sinisingil ng kompanya sa perang hindi naman niya napakinabangan.
"Tapos ngayon 3 months na kayong hindi nagbabayad at ako ngayon ang hinahabol ng Home Credit ngayon,"
"June 24, 2022 sabi mo babayaran mo pero hindi parin pala. P21,484 pa kulang niyo,"
Dagdag pa ni Keneth, ayaw niyang masira at humantong lang sa pagkabuwag ang kanilang pagkakaibigan dahil sa pera, ngunit nasagad na ang kanyang pagpapasensya dahil sinamant@la at inabus0 na ang kanyang pagiging mabuti bilang tropa't kaibigan.
Hindi matapos-tapos na pangako at iba't-ibang dahilan ang nirarason sa kanya na magbabayad at hinanapan na ng paraan, hanggang sa malaman nalang niya sa iba na nagbabakasyon lang ang dalawa.
"'My Day' niyo 10hrs ago, nagtaka ako kung bakit hindi kayo online. Gumagala pala kayo pero ang utang hindi na inasikaso. Hindi ko rin makita ang mga 'My Day' niyo kasi naka ' except friends' pala ako sa inyong dalawa. Sana ol nakarating na ng Leyte,"
Pasan niya ngayon ang obligasyon sa kompanya na pinagkakautangan niya, maging mga pamilya niya'y nagagalit na dahil sa kanyang ginawa at sila ang kinukulit at hindi tinatantanan ng pinagkakautangan niyanng kompanya.
Kinasasaklapan pa, tinanggal siya sa kanyang trabaho dahil nadadamay narin ito sa problemang idinulot ng kanyang mga barkada.
"Pero ngayon inaabus0 niyo na ako, pangalan ko ang nasisira. Tinanggal ako sa trabaho dahil sa ginagawa ninyo,"
"Dahil dito wala na akong trabaho, saan na ako kukuha ng pang-allowance ko sa school? Lalo na ngayon mag-iintern na ako,"
Ayon pa kay Keneth, ang mga kaibigan niya pa ang may ganang magalit at nananakot na kakasuhan siya dahil sa pamamahiya at sa liit umano ng halaga ng utang nila ay ipinopost niya na sa social media.
"Kayo pa ngayon ang galit? Kayo pa ang may ganang magfile ng case na cy ber li bel? hahaha. Hindi na kayo nahihiya? Kayo lang ang pagtatawanan ng mga pulis."
Relate na relate naman ang marami sa mga netizens sa naranasang problema ni Keneth tungkol sa pagkakasira ng dating magandang relasyon at tiwala dahil lamang sa utang.
Narito ang kabuuan ng kanyang post:
Arjay Cabañog, Bianca Brown kabulastugan natong ginagawa ninyo. Inabus0 niyo ang pagiging mabait ko sa inyo. Puro nalang kayo pangako na bayaran namin yan pre tapos hanggang ngayon wala parin.
Nagtiwala ako sa inyo na gagamitin ninyo ang pangalan at ID ko para lang ma-approve kayo sa Home Credit kasi kung kayo ang mag-apple hindi kayo naaaprubahan. Tapos ngayon 3 months na kayong hindi nagbabayad at ako ngayon ang hinahabol ng Home Credit ngayon.
Ipinost ko na kayo nung month of May pero nangako kayo na 'babayaran namin yan pre, i-delete mo lang yung pinost mo baka kasi makita sa mama ni Bianca' kaya dinelete ko. Pero ngayon inaabus0 niyo na ako, pangalan ko ang nasisira. Tinanggal ako sa trabaho dahil sa ginagawa ninyo.
Ang sama ng ginawa niyo sa akin pre. Naka 'ecxept friends' pa ako sa inyo 'My Day' ninyo para hindi ko makikita kung saan kayo, malalaman ko nalang nakarating na pala kayo ng Leyte. Pasensya nalang, ubos na ang pagkamabuting barkada ko sa inyo.
Sinabi ko na sa inyo dati pa na hindi ko gusto na masira lang ang ating pagkakaibigan dahil lang dito, pero ngayon naka 'except friends' ako sa 'My Day' niyo para hindi ko malaman hahaha. Baka nakalimutan niyo maraming mga nagsasabi sa akin. Wag niyo lang akong subukan.
Hindi ako masamang tao para ipahiya kayo online pero sobra sobra na ang pang-aabus0 niyo sa kabutihan ipinapakita ko sa inyo. Bad side ko naman ang ipapakita ko.
Ilang chat at text na ako sa inyo, mula pa nung April, wala man lang kayong reply sa akin. Kung hindi pa ako ang nagmamakaawa sa inyo hindi kayo sasagot. Kung hindi ko kayo ipopost, hindi rin kayo magrereply. Kalokohan.
Hindi basta kalokohan lang ang masisira ang pangalan, saya niyo no. Kapal talaga ng mga mukha niyo. Hindi ko kailangan ng ganyang klaseng tropa, salamat sa pinagsamahan natin.
Kayo pa ngayon ang galit? Kayo pa ang may ganang magfile ng case na cy ber li bel? hahaha. Hindi na kayo nahihiya? Kayo lang ang pagtatawanan ng mga pulis.
Ito ang mga naging palitan nila ng usapan ng kanyang mga dating kaibigan: