Netizen, nadismaya nang hindi umano tinaggap ng isang Mall ang bagong 1K dahil lang sa tupi - The Daily Sentry


Netizen, nadismaya nang hindi umano tinaggap ng isang Mall ang bagong 1K dahil lang sa tupi



 


Iprinisenta kamakailan lamang ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang makabagong sanlibong piso, ang 1000-Piso polymer banknote na agad naman humakot ng atensyon ng marami dahil sa angking ganda ng desenyo, maging ang materyales kung saan ito gawa. 


Ikinatuwa rin ng marami dahil kumpara sa mga lumang perang papel, ang polymer based banknotes na ito ay sinasabing mas sustainable at water at dirt resistant.  


Ngunit marami rin sa mga Pinoy ang naguguluhan dahil sa tila maselan ng tamang pamamaraan ng paghawak ng bagong pera. 


Tulad nalang ng isang napabalitang karanasan na ipinost ng RMN-DXPR Pagadian 603 tungkol sa tila pagkawalang halaga ng hawak na bagong isang libo dahil sa may tupi na ito.



Ayon sa post ni Reylen Lopez, hindi tinanggap ng isang kilalang Mall ang kanyang hawak-hawak na pera bilang pambayad niya na sana dahil sa may tupi na ito. 


Ikinadismaya niya ang pangayayari dahil hindi niya umano alam na may mga bawal na palang gawin sa bagong 1000 bill upang ito'y magamit. 


"Wag na po kayo mag ipon ng bagong 1k! Bawal daw I-fold o tupiin as per SM Management. I-pang babayad ko sana to, Hindi nila tinanggap.Bawal daw tupiin,"


"Hindi kami na inform😔Ako lang ba Hindi nakakaalam? Haisst😏" aniya sa kanyang post.



Isa lamang ang bawal na tupiin sa mga paalala ng BSP sa tamang paghawak at pagamit ng makabagong inilabas na pera. 


Narito ang mga paalala ng kinauukulan tungkol sa tamang paghawak ng bagong pera: 




1. Keep them flat.

2. Keep them clean.

3. Use them as payment for goods and services.


1. DO NOT write or put marks on the banknote.

2. DO NOT excessively fold or crumple the banknote.

3. DO NOT cut, put holes, or staple them.

4. DO NOT damage or remove any of its security features.

5. DO NOT iron them.

6. DO NOT expose the banknote to high temperatures or place it in an open flame.

7. DO NOT expose the banknote to t0xic chèmicals. 


Habang marami ang natuwa at nagagandahan, marami rin ang mga hindi nasiyahan sa tila 'maselan' na dapat paghawak ng pera. 





Hirit naman ng iilan, na tila mas kailangan muna nilang magkaron ng mahabang wallet upang mapaglagyan nito at paano nalang umano kung mapunta ito sa mga pampublikong sasakyan tulad ng Bus at Jeep at sa mga palengke na halos tupi-tupi, nagugusot at nababasa ang pera.


***

Source: RMN - Pagadian

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!