Nakaraos din! Proud repeater, isa nang ganap na Civil Engineer - The Daily Sentry


Nakaraos din! Proud repeater, isa nang ganap na Civil Engineer




Marami ang nangangarap na makapagtapos ng pag-aaral at magkaroon ng maunlad na buhay. Ngunit alam natin na bago ito mangyari ay marami muna tayong pagdaraanan na mga pagsubok na kailangan malagpasan.


Ayon nga sa isang sikat na philosopher na si Confucius, “Our Gratest Glory is not in Never Failing, But in Rising Every Time We Fall”. 



Tila ito ang isa sa mga naging inspirasyon ng lalaking estudyanteng ito upang mapagtagumpayan niya ang mga pagsubok na kanyang kinaharap noong  siya ay nag-aaral pa lang, gayundin ang mga pagsubok bago sya naging ganap na registered Civil Engineer.


Kilalanin si Zakari Madronio Kasilag, ang lalaking pinatunayan na hindi kayang talunin ng anumang pagsubok ang taong may pangarap at may matibay na pananalig sa Dyos. 



Civil Engineering - hindi lingid sa atin kung gaano kahirap ang kursong ito, kaya naman ang pagkuha ng nasabing kurso ay kumakailangan ng sangkatutak na pagsisikap at tiyaga sa pag-aaral. Sa madaling salita, dapat walang kapaguran magsunog ng kilay.  


Sa isang Facebook post, ibinahagi ni Zakari sa social media ang paghihirap na kanyang pinagdaanan upang maging isang lisensyadong Civil Engineer. 


Dito, isinaad nya na inabot siya nang anim na taon at dalawang buwan sa pagkuha ng naturang kurso na dapat ay pang-limang taon lang.


 Ibinahagi rin ni Zakari na nakaranas sya na kumuha nang halos dalawamput-dalawang (22) removal exams, nakatanggap ng walong (8) marka na singko at tatlumpu't-walo (38) na tres.


Dito pa lamang ay natunghayan na natin ang determinasyon na pinatunayan ng binata para makatapos ng pag-aaral. 


Pagpapatuloy pa nya sa mahabang listahan ng kanyang mga naging kabiguan bago magtagumpay, bumagsak pa raw sya sa walong units sa isang semester at kamuntikan nang mapatalsik sa Civil Engineering.




Aniya pa, siyam o sampung beses pa syang nag-redefense sa isang asignatura, nakakuha nang INC o incomplete na marka at bagsak rin ang lahat ng PreBoard Exam niya sa Review Center. 


Pero sa kabila nang lahat ng ito, napagtagumpayan pa rin niya ang mga pagsubok na ito at naging ganap nga na Civil Engineer.  


 Ani Zakari, “Your Grade Don’t Define You."



Payo nya sa mga estudyante, "Kung di niyo pa nabe-break ang record ko, mas malaki chance niyo na maging Engineer. Sambit pa niya"Kung kinaya ko, kaya niyo din”.






Basahin ang kanyang Facebook post:


"6years and 2months in engineering

22 - removal exams (note di pa kasama dito yung 2nd, 3rd and 4th removal sa ilang subject.)

8 - SINKO grade (failed subjects) 

38 - Tres (Grade)

8 units failed in 1 sem (9 units failed in a sem to kick out in civil eng. dept)

9 or 10 times redefense in one subject (BAKAL)

INC more than 2 sem in one subject (BAKAL) 

ALL of my PreBoard exam FAILED in Review Center

But now REGISTERED CIVIL ENGINEER 

Your Grades Don't Define You.

Kung di nyo pa na be break record ko mas malaki chance nyo maging Engineer.

Kung kinaya ko kaya nyo din 😉

Our Greatest Glory is not in Never Failing, But in Rising Everytime We Fall.

-Confucius-"