"monthly period, huwag balewalain baka matulad ka sakin" paalala ni ate - The Daily Sentry


"monthly period, huwag balewalain baka matulad ka sakin" paalala ni ate



 

Larawan mula kay Jenalyn Delos Reyes

Isang netizen na nagpakilalang si Jenalyn Delos Reyes ang nagbigay ng babala sa mga kababaihan na nakararanas ng hindi normal o palaging delayed ang kanilang menstruation.

Sa kanyang Facebook account, ibinahagi ni Jenalyn ang kanyang naging karanasan dahil sa pag babalewala nito sa kanyang palaging delayed na pagreregla.

Kwento ni Jenalyn, matagal na siyang nakararanas ng pagka-delayed sa kanyang menstruation ngunit hindi niya ito pinapansin dahil ang akala niya ay ayos lamang ito at wala naman panget na dulot sa kanyang kalusugan.

Isang araw ay mayroon umano siyang naramdaman na kirot sa kanyang tagiliran hanggang sa hindi na niya ito makayanan ang s4kit dahilan ng pagsugod sa kanya sa ospital.
Larawan mula kay Jenalyn Delos Reyes
Ayon sa pagsusuri ng doctor na tumingin kay Jenalyn, nadiskubre na mayroon tumubong mga bukol sa kanyang ovaries na kung hindi ito magagamot ay may posibilidad ng hindi na siya mabubuntis at magkakaroon ng anak kaylanman.

Basahin ang buong post ni Jenalyn sa ibaba:

"DELAYED MENSTRUATION WAG BALIWALAIN PARA DI MATULAD SA AKIN.

"Alam ko maraming nagtataka kung bakit nag my day po ako ng ultrasound record, maraming nagtatanong kung buntis po ako. Hindi po ako buntis. nakaka experience na ako ng delayed menstruation, mas pinaka matindi halos umaabot ng isang taon bago ako ni reregla. Pero di ko lang pinapansin kasi akala ko normal lang. Pero ang pag dedelay ng iyong regla ay hindi pala normal at maaaring may komplikasyon. Nakakaranas na ako ng pananakt ng aking tagiliran, minsan napapasigaw na ako sa sobrang sakt pero binalewala ko parin. Pumunta na kami sa hospital nng d ko na talga kaya akala nmn appendx pero hndi and then nag tanong ako sa dr bka po may kinalalaman na sa matres ko to doc 1 year mahigit na po ako d dinatnan sabi nya pa check up naraw ako sa ob d naraw normal un nag ipon mna ako pang pa check up makalipas ng 1 week Feb 17, 2020 nagpa check up na ko sa isang OB-GYNE dito sa malpt mabalacat, 
Larawan mula kay Jenalyn Delos Reyes
At ito na nga ang kinatatakutan ko, may nakitang mga bukol sa aking ovaries hindi lang isa, hindi lng dalawa, ang nakita kundi marami ang bukol sa aking ovaries. at meron ako tinatawag na (PCOS) PolyCystic Ovary Syndrme. 

"Ang suggest saken mag exercise mag bwas ng knti timbang, uminom ng gamot kada 1st mens ko 10 days ito iinumin hindi biro yung halaga ng gamot ko 1 tablet lng nasa 80 pesos na need mo 10pcs bukod pa yung pinapa bli nya pills para mag balance yung hormones at bumalik ulit sa OB para sa another check up pag hindi ito nakuha sa gamotan need ko pa surgry IF hindi makkuha sa gamotan may tendency pa di na ako magkaanak. 

"Wag po kayo matkot base lang po yan sa pagpa check up u kung ano po results at sa ssabhin ng OB u Kung nakakaranas din kayo ng delay ng inyong regla you need to consult para maagapan nyo habang maaga pa. Bilang isang babae, napakahalaga sa atin ang ganitong topic. Kaya wag nang mag atubiling mag pa check up.

"Wag nyong pabayaan ang ganyang mga sintomas, mag pa check up na po kayo. Wag po kayo matakot guys dahil makkuha po ito sa gamotan ugaliin din po mag exercise kung d pa kayo makka pag pa check up dahil sa covid shanre ko lng po to base on my experience ko lang po to. Maraming salamat.

"share mo para aware din yung iba

****