Nagdiwang ang buong baryo at pamilya ni Jean Ella Marie Razon matapos itong maging Top 1 sa kagaganap lamang na 2022 Physical Therapy Licensure Exam at magkaroon passing rate na 88.05 percent.
Si Jean ay nagmula sa San Agustin, San Luis, Pampanga at nagtapos sa University of the Philippines Manila Campus. Nakamit nya ang mataas na parangal na cum laude noong September 06, 2020.
Aniya, “Lagi nilang sinasabi na who would have thought na sa isang remote and rural area na kailangan ang bangka for access and transportation magmumula ang Top 1 sa board examination?”
Ayon sa panayam kay Jean noong June 23, 2022, sa pamamagitan ng Facebook Messenger, ipinabatid niya na “Naging extra blessing na lang po yung makapasok sa Top 10 at maging Top 1”.
Kalakip nito ay nakatanggap din si Jean ng P50,000 pesos bilang gantimpala mula sa kanilang local government unit.
Bata pa lamang umuno si Jean ay mahilig na ito sa mga bagay na may kinalaman sa medisina.
Sambit pa niya “I was inspired by the TV shows my sister were watching at that time, like House MD and Grey’s Anatomy.
" I thought na sobrang cool nila and interesting. That’s one of the reasons kung bakit I took Physical Therapy na rin because it’s medical-related and equally interesting” dagdag pa nya.
Ibinahagi rin niya na maraming ups and downs ang kanyang buhay college at ang pressure ng pagiging “Taga- UP”.
Maraming gabi rin na siya ay umiiyak sa sobrang daming requirements na kailangang ipasa kinabukasan, tapos may exam pa na hindi pa nasisimulang pag aralan.
Nabangit din niya na iniisip ng karamihan na kapag nakapasok sa UP, ang tingin sa iyo matalino or examplay. Pero sa totoo lang daw, ang pagpasok sa prestihiyosong paaralang ito mararanasan mo na "you area back to zero. Everyone’s smart, but at the same time, lahat nag-i- struggle”.
Aminado si Jean na naapektuhan ang kanyang mental health at isa sa mga nahirapang mag-review para sa board noong kasagsagan ng pandemic.
“I was forced to study sa bahay, but unfortunately, it became a source of frustration po sa akin because I was really having a hard time focusing and concentrating”.
“After nights of crying, I finally decided to go back to Manila and study there. I stayed in my previous dorm for two months”.
Doon ay nakapag-focus siya at natapos ang review. Pero hindi nawala ang pressure na kanyang nararamdaman at ang pagdududa sa sariling kakayanan.
Naiisip niya ang mga bagay na nakaka overwhelming. Ipinagdadasal din niya na matapos na ang stress at magbunga ng maganda ang lahat ng kanyang pinaghirapan.Dagdag pa niya na sana kahit anu man ang maging resulta,maging proud parin ang kanyang pamilya .
Kwento pa ni Jean, up to now ay hindi pa rin siya makapaniwala na siya ang Top 1. “I feel na anytime magigising ako, tapos isang mahabang panaginip lang po ito. In all honestly, hindi ko po ine-expect na papasa ako kasi sobrang hirap po nung examination”.
Paglilinaw pa niya, hindi “MASAHISTA” o “MANGHIHILOT” ang Physical Therapist. Payo pa nito sa mga gustong kumuha ng Physical Therapy; “We need you! Haha! We need to educate more people about what physical therapists do”. Ibinahagi pa niya, “I think it is time to break those misconception na isa kaming masahista or manghihilot, and to advocate about the roles of a PT in a society”.
Ngayon ay nagpaplano muna si Jean na mag-practice bilang isang physical therapist. “I want to try the academe and hospital setting din po to improve my clinical skills. And hopefully, after some time, I will get my master’s degree din po”.