Mayor sa Mexico, pinakasalan at hinalikan ang kanyang bride na buwaya! - The Daily Sentry


Mayor sa Mexico, pinakasalan at hinalikan ang kanyang bride na buwaya!




Maraming mga nagsusulputang mga balita tungkol sa mga kakaibang pamamaraan at mga dahilan ng iilan sa pagpapakasal ng mga tao, hindi lamang sa kapwa nila tao ngunit maging sa ibang mga bagay tulad ng manika o laruan at ng mga hayop, kagaya ng pagpapakasal sa aso, baka at sa iba pa. Tunay mang may pagmamahal ang dahilan, bahagi ng ritwal o pagpapayabong ng isang tradisyon. 


Katulad nalang ng pagpapakasal ng isang Mayor sa maliit na bayan ng San Pedro Huamelula, Oaxaca, Mexico na si Victor Hugo Sosa na ikinasal sa isang 7-taong gulang na babaeng buwaya. 



Perahas sa mga ikinakasal, nakabihis ng maayos ang alkalde maging ang kanyang bride ay pinasadyaan ng isang magandang puting bridal gown. 



Makulay at nagkakasiyahan ang lahat habang idinadaos ang seremonya na pinangungunahan ng isang indigenous leader. Pagkatapos ng kanilang pagdidiriwang ng ritwal, hindi mawawala ang kiss the bride sa seremonya, na siya namang paulit-ulit na ginawa ng alkalde sa buwaya.


Ayon sa ulat ng Reuters, ito ay tradisyunal na ritwal ng Chontal at Huave indigenous communities sa Oaxaca. Kung saan ang buwaya ay pinaniniwalaang isang prinsesa at diyos na kumakatawan sa inang kalikasan. At ang pakikiisang dibdib nito sa isang lokal na lider ay sumisimbulo ng pakikiisa ng mga tao sa mga kabanalan. 


Dagdag pa nito, isa itong pagdidiwang at pagdadasal ng pakikiusap ng magandang biyaya mula sa kalikasan. 


"We ask nature for enough rain, for enough food, that we have fish in the river," saad  ni Sosa,


Kanila ring ipinarada ang buwayang bride sa lansangan kasama ng pagpapatugtug ng mga trumpeta at mga tambol. 





Inihayag din sa isang ninang ng kasal na si Elia Edith Aguilar na siya ring nag-organisa ng seremonya ng ritwal na mas lalo niyang ipagmamalaki ang kinalalakihan at pinanggagalingan ng kaning lahi.


"It gives me so much happiness and makes me proud of my roots," 


"It's a very beautiful tradition,"


***

Source: Reuters

Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!