Matiyagang namamalimos ang Aso sa tabi ng batang estudyante habang nag-aaral sa gilid ng kalsada - The Daily Sentry


Matiyagang namamalimos ang Aso sa tabi ng batang estudyante habang nag-aaral sa gilid ng kalsada




Larawan mula kay Ian Capoquian
Hindi na nga lingid sa ating kaalaman na ang ating mga alagang aso ay tinaguriang man's best friend dahil higit pa sa pagiging bantay na hatid nito sa mga tao ay isa din itong stress-reliever.

Dahil ang mga alagang aso ay loyal, maaasahan at mapagmahal sa kanilang amo ay itinuturing na rin itong isang miyembro ng pamilya.

Kung kaya naman isang Facebook post ng isang netizen ang usap-usapan sa social media matapos nitong ibahagi sa kanyang account ang isang binatilyong lalaki na nag-aaral sa kalye ng Ermita kasama ang kayang alagang aso kung saan ay mayroon itong kagat-kagat na basket sa kanyang bibig.
Larawan mula kay Ian Capoquian

Ayon sa post ng netizen na si Ian Capoquian, ang binatilyo ay si Eddie Aquino, 16-anyos, isang grade 9 student at ang kasama nitong aso ay si Black Jack.

Tila nga naman nakakaaliw at nakakamangha ang ipinamalas ng dalawang ito dahil pansin ang kanilang pagtutulungan sa buhay kahit na ang isa sa kanila ay isa lamang aso.

Pagbabahagi ni Ian, hiwalay na ang kanyang mga magulang at mayroon itong dalawang kapatid.

Ang kanyang ina ay mayroon nang sariling pamilya kung kaya iniwan na sila at ang kanyang ama naman ay kasama pa nila ngunit may dinaramdam ito ay nanghihina na kung kaya naman nagpupursigi ang batang si Eddie na makapag-aral upang sa ganun ay makaraos ang mga ito sa hirap ng buhay at matulungan ang kanyang mga kapatid.

Walang arte na tinitiis ni Eddie ang marumi at malamig na lansangan para makapag-aral at makahanap ng pera habang tinutulungan siya ng kanyang alagang aso.
Larawan mula kay Ian Capoquian

Makikita sa larawan na habang mahusay na nag-aaral si Eddie sa gilid ng kalsada ay matiyaga namang namamalimos ng pera ang kayang alagang aso na si Black Jack.

Tila nga naman may sariling isip at ramdam ng asong ito ang hirap na kinakaharap ng kanyang amo.

Ayon sa netizen na nagbahagi ay magkakahalong lungkot at pagkamangha ang kanyang naramdaman ng makita nito ang dalawa na nagtutulungan sa buhay. “Saddening but inspiring,” ayon kay Ian.

“I want him to study inside a room, a well-ventilated space, with proper lighting and proper learning materials. I want to help him.” dagdag pa ni Ian sa kanyang post.

***