Photo credit to All Viral News |
Lahat ng katangiang iyan ay sinasabing tinataglay ng isang empleyado sa isang sikat na fast food chain sa Las Vegas, Nevada, dahilan upang makatanggap siya ng gantimpala mula sa kanyang mga boss at katrabaho at higit sa lahat mula sa mga netizens at good samaritans.
Siya ay si Kevin Ford, 54, empleyado ng Burger King sa McCarran International Airport sa Las Vegas. Nagtatrabaho siya bilang cook at cashier sa nasabing fast food sa loob ng 27 taon at hindi diumano kailanman umabsent sa kanyang trabaho kahit isang beses.
Photo credit to All Viral News |
Nagsimula raw siyang magtrabaho sa Burger King ng mabuntis ang kanyang girlfriend na ngayon ay kanya ng asawa at mayroon na silang apat na anak. Dahil din sa pagkakaroon ng sariling pamilya ay naisantabi niya ang pangarap na matapos ang pag-aaral at tinuloy na lamang ang trabaho sa nasabing restaurant.
Photo credit to All Viral News |
Dahil din umano sa trabahong iyon ay napag-aral niya ang mga anak at naiibigay ang pangangailangan ng kanyang pamilya.
Kaya naman noong dumating ang kanyang ika-27 anibersayo sa nasabing kumpanya noong nakaraang linggo ay binigyan siya ng simpleng gantimpla hindi lamang sa kanyang 'perfect attendace' kundi sa pagiging masipag at masikap na empleyado. Ang regalong 'Bag of Thanks' ay binubuo ng isang movie ticket, Starbucks reusable tumbler, candies and chocolates, disposable pens.
Sa sobrang tuwa ay ibinahagi ni Ford ang video kung saan kanyang ipinakita ang natanggap na regalo habang pinasasalamatan ang kanyang mga katrabaho. Hindi niya diumano inakala na magvaviral ang video.
Marami raw kasing netizens ang nadismaya sa kakaunting natanggap ni Ford kapalit ng sakripisyo nito. Marami ring humanga sa pagiging loyal at masipag nito na sa loob ng 27 years ay hindi ni minsan lumiban sa trabaho. Kaya naman sigaw nila deserve niyang makatangap ng mas higit na gantimpala kaysa sa 'loot bag' na bigay ng kumpanya.
Photo credit to Daily KOS |
Ngunit ani Ford, masaya at kuntento siya sa natanggap na simpleng regalo at ibinahagi pa nga ito sa kanyang ibang kasamahan.
At dahil dito lingid sa kaalaman ni Ford ay naisip diumano ng isa niyang anak ng bigyan ng appreciation ang kanyang ama at magfundraising para dito. Gumawa siya ng page sa 'GoFundMe' upang makalikom ng pera pangdagdag sa pagdiriwang ng 'career milestone' ng kanyang ama.
Ayon kay Seryna, anak ni Kevin, ang fund ay orihinal na naglalayo lamang makalikom ng $200 para diumano magamit sa New York trip nito upang bisitahin ang kanyang mga apo na hindi niya na nakikita ng apat na taon.
Kaya naman laking gulat nila ng umabot na ang donasyon sa mahigit $270,000.

Photo credit to Loop Sider |
Ani Seryna, malaking tulong ang matatanggap nila upang bigyang pugay at parangal ang pagiging masipag na manggagawa ng kanyang ama.
Kasama sa ilang kilalang donor ang aktor na si David Spade, na nagbigay ng $5,000 at nag-message pa kay Ford sa Instagram na bumabati sa kanya ng magandang kapalaran.
Nang tanungin kung ano ang motibasyon ng kanyang anak na babae sa ginawang fundraising na iyon ay sinabi ni Ford na sa kanyang palagay ay dahil ito sa pagmamahal ng mga anak sa kanya.
Laking pasasalamat ni Ford sa lahat ng tulong na natanggap at muling makita ang kanyang mga apo. Ngunit sa kabila ng lahat ng perang natanggap, sinabi niya na wala pa rin siyang planong magretiro o magpahinga, kahit magbakasyon man lang.