Usap-usapan ngayon ang kumakalat na video tungkol sa paghahalintulad ng halos magkaparehong ideya at konteksto ng isang valedictory address ng Magna Cum Laude graduate mula sa Camarines Sur, kung saan kinopya umano nito ang isang valedictory speech din ng isang Cum Laude graduate na mula sa isang kilalang unibersidad.
Binatikos ng marami ang Camarines Sur Polytechnic Colleges (CSPC) graduate na si Jayvee Ayen dahil daw sa pangongopya ng tema na 'Lang' sa kanyang ginawang talumpati, kung saan binigyan diin dito ang pagkakaroon ng stereotyping o pangmamaliit sa kurso na tinapos niya. Pinaniniwalaang parehas ito sa speech ni Mariyela Mari Gonzales Hugo, na nagtapos sa Far Eastern University (FEU), taong 2019.
Agad naman nagpaliwanag si Jayvee sa kinasasangkutang isyu at sinabing nagkataon lamang ang lahat at hindi niya intensyon ang mangopya mula sa gawa ng iba, sadyang relate na relate lamang daw siya sa gawa ni Mariyela.
“I mean not to plagiarize. Naka-relate lang rin ako ng sobra nung napanood ko yung video.”
Humingi din siya ng pasensya at dinepensahan ang sarili na humugot lang siya dito bilang basehan sa topic na tatalakayin niya sa kanyang valedictory address.
“Kung baga driven by her impactful speech kaya nagawa kong ma ipasok yung ibang thought sa speech ko without thinking na napa-plagarize ko na pala yung speech nya”,
Agad na napansin ng marami ang pagkakahalintulad ng kanilang tamlupati, maging ang mga netizens ay parehas ang mga reaskyon tungkol sa kumakalat na video. May mga kaunting pinalitan lamang na mga impormasyon tulad ng mga binaggit na kurso, ngunit ang atake at paglalahad nito ay magkatugma.
Naglabas din ng tila pasaring na komento si Mariyela tungkol sa pangyayari sa kanyang Facebook post.
“Unintentional or accidental plagiarism is still plagiarism (Bowdoin, 2022; Das, 2018; Duke University, n.d.),” saad niya.
Sinagot din niya ang netizen na nagkomento sa kanyang post na “You have every reason to be furious!”
Ani ni Mariyela, “My former group mates (Cesista, Mendoza, Puig, & Turla) and I did not write an undergraduate thesis on plagiarism just for my/our material to be plagiarized.”
“The issue has already been brought to my attention by concerned netizens.”
“While one may have good intentions, one must still check if the means to actualize those intentions are also ethically acceptable. Borrowed ideas, even inspirations, should be cited or at the very least, acknowledged.” aniya sa isang panayam.
“I hope that this issue serves as a reminder to everyone to review and uphold their standards,” dagdag nito.
Ito ay parte lamang sa kapansin-pansin na pagkapareho ng kanilang speech:
Mariyela: “Lang. The short term for the Filipino word 'lamang' which means just or only.”
Jayvee: “Lang. A shortened Filipino word for 'lamang' which means mere, just, or only.”
Mariyela: “'Yan lang. Ito lang.”
Jayvee: “'Yan lang or ito lang.”
Mariyela: “Ah, MassCom lang, video-video, tapos endo after ng project. Management lang? Di ba, puro plan lang yun tapos magsusulat kayo dun ng mga number? Ah, alam mo ang hina mo, mag-Educ ka na lang kaya?”
Jayvee: “Entrep ka lang. Di ba, tinda-tinda lang 'yan? Office Ad ka lang. Ah, sulat-sulat, encode-encode lang. Tourism ka lang, usher-usherette, taga-smile lang. HM ka lang, di ba lutu-luto lang 'yan?”
Mariyela: “But what does this imply? Knowlegable people shouldn’t be teachers? I shouldn’t teach because I won’t get rich from it? Who should be teachers then?”
Jayvee: “Does this implies [sic] that intelligent people should not be in the field of hospitality, tourism, and business management?”
Mariyela: “Our profession is deemed unusual, impractical, easy.”
Jayvee: “Does this indicate that business management are impractical, basic, and easy?”
Mariyela: “I beg to disagree.”
Jayvee: “I beg to disagree.”
Naglabas rin ng opisyal na pahayag ang (CSPC) tungkol sa umano'y insidente ng pangongopya ng kanilang estudyante na si Jayvee.
Humingi ng paumanhin ang pamunuan ng paaralan sa kontrobersiya na naidulot sa hindi sinasadya na paggamit ni Ayen ng speech ni Mariyela na hindi nabigyan ng tamang pagkilala ang huli.
***
Source: Interaksyon
Stay updated with the latest news and trends by hitting the LIKE button. Thank you!