Magandang social media influencer ginulat ang marami ng ibunyag ang totoong pagkatao - The Daily Sentry


Magandang social media influencer ginulat ang marami ng ibunyag ang totoong pagkatao



Isang magandang social media influencer sa bansang Japan ang gumulat sa kanyang libo-libong followers matapos nitong ibunyag sa national TV ang totoo nitong pagkatao.
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Labis ang pagkagulat ng mga fans nang malaman na ang kanilang iniidolo at hinahangaan ay isa palang 50-year-old na matandang lalaki.

Si Azusa Gakuyuki, isang magandang babae ay maraming napapahanga sa kanyang Twitter account sa tuwing magbabahagi ito ng kanyang mga larawan habang ginagawa ang mga hobbies nito katulad ng motorcycle riding, mountain hiking, skiing at marami pang iba.

Pumunta sa “Monday Late Show” si Gakuyuki, isang popular na television program sa Japan upang ilantad ang tunay niyang pagkatao na talaga namang ikinagulat ng lahat.
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Ang magandang babae na parang nasa edad 20 lamang ay isa palang 50-year-old na lalaki na gumagamit lamang ng app na FaceApp upang mag-iba ang itsura nito.

Nang tanungin kung bakit niya ginawa iyon, sumagot ang lalaki at sinabing sa panahon ngayon ay kailangan mong maging maganda o gwapo upang makakuha ka ng maraming likes, reactions at pagmamahal sa mga netizens.

Noong unang magpost ang lalaki ng kanyang larawan sa social media gamit ang kanyang sariling larawan, wala raw pumansin sa kanya dahil wala naman daw magkaka interes sa isang matandang tulad niya. 
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Kaya naman naghanap siya ng paraan kung papaano makukuha ang pansin ng mga netizens.

Taong 2019 nang unang sumikat ang app na FaceApp. Dito pumasok ang idea ni Gakuyuki na gamitin ang nasabing app.

Matapos makalikot at mahanap ang tamang filters na gagamitin sa app, tuluyan ng nabago ng matandang lalaki ang kanyang itsura bilang isang maganda at attractive na babae. 
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Sa unang pagpost palang niya ng unang larawan bilang babae ay nakatanggap na ito ng maraming reactions sa mga netizens. 

Sa loob ng dalawang taon na pagpost ng kanyang larawan bilang isang babae ay libo-libong reactions na ang kanyang natanggap.

Bakit nga ba ibunyag ng Gakuyuki ang kanyang tunay na pagkatao?

Ayon sa mga sources, nagkaroon raw ng kontrobersyal na isyu sa isang larawan ni Gakuyuki kung saan may nakapansin na matandang lalaki sa reflection ng salamin ng motorsiklo.
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Ang ibang fans ay ipinagkibit balikat na lamang ito at sinabing baka tatay ito na Gakuyuki at kinukuhanan lamang siya ng larawan. Ngunit may iba naman na hindi tinantanan ang isyu.

Matapos kumalat ang kontrobersyal na isyung kinasasangkutan ni Gakuyuki, nakipag-ugnayan ang Monday Late Show production team sa kanya at tinanong kung papayag ba itong makipagkita sa kanila.
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Kuhang-kuha sa camera ang rebelasyon ni Gakuyuki kung saan naka-motorsiklo ito at nakasuot ng helmet habang paparating. Nang tanggalin na nito ang kanyang helmet ay hindi lamang ang mga nanood sa kanilang tahanan ang nagulat, maging ang mga audience at production team ng show ay gulat na gulat.

Maraming fans at followers ni Gakuyuki ang nagalit ng malaman ang katotohanan. Gayunpaman, marami naman ang humanga sa galing niyang mag-edit lalong lalo na sa kanyang diskarte upang magkaroon ng maraming followers.
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner
Azusa Gakuyuki / Photo credit to the owner

Sa katunayan, mas naging mabilis ang pagdami ng followers ni Gakuyuki matapos ang kanyang TV appearance.


***