Hindi lang basta isa, lima o sampu kundi 59 lang naman na estudyante ang pinag-aaral at sinusuportahan ng mag-asawang Terence at Elizabeth Martin mula sa Talibon Bohol.
Pinapupurihan ang mag-asawang Martin dahil sa kanilang walang sawang pagbibigay suporta sa mga deserving na mga kabataan na makapagtapos ng kanilang pag-aaral.
Hands-on din sila sa pag-alalay sa mga batang pinagpapaaral, kaya't hindi magkamayaw ang dalawa nang nagsasabay-sabay ang mga schedule ng pagtatapos ng iilan ng kanilang mga iskolars mula elementarya, Junior atr Senior High school at sa kolehiyo.
Ibinibigay nila halos lahat ng mga pangangailangan ng mga pinag-aaral na mga estudyante, mula sa mga gamit sa paaralan, laptop, printers, cellphones at pati monthly allowance ng mga ito.
Ayon kay Elizabeth, pinagdadaanan niya din lahat ng mga paghihirap at kung ano ang pakiramdam ng walang-wala sa buhay.
Kaya ngayon na siya naman ang kakayanan tumulong, hindi niya ipinagdadamot ang pagkakataong makatulong sa iba na tulad niya dati ay nagppupursige upang makapagtapos.
“Noong nag College ako dati sa Cebu, walang-wala ako hindi ko alam ano na gagawin ko ngunit sa hindi inaasahan may isang taong tumulong sa akin, siya yung nag udyok sa akin na malagay ako sa maayos na sitwasyon,"
Kaya ngayon, binalik lang namin kung ano yung binigay ng Panginoon, kumbaga Paying it Forward.” ani Elizabeth sa isang panayam.
Kilala ang dalawa sa hindi lang pagbibigay ng basta kung ano-ano lang na tulong, nagpapatayo sila ng mga bahay para sa mga taong lubos na nasalanta ng mga nagdaang bagyo. Nagbibigay tulong rin sila ng mga panimulang pagkakakitaan para sa tuloy-tuloy na pagbangon at hanapbuhay.
Nasa kanilang mga puso at isipan na ang pagtulong sa mga nangangailangan. Nakapagpapatayo at nagpapaayos rin sila ng mga opisina ng kapulisan, at ipinapaayos ang mga sira-sirang mga paaralan.
Tunay ngang hindi nauubos at nag-uumapaw ang mga biyaya sa mga taong umaapaw rin ang kabutihan ng puso sa pagtulong sa mga taong mas nangangailangan.