Napakahirap ang mamuhay nalang mag-isa. Mahirap ang maiwanan mag-isa. Sa mga pagkakataong nangangailangan ka ng suporta at tulong, wala kang malalapitan niisa kasi nauna na lahat ng mga pamilya mong pumanaw.
Viral ngayon ang isang post sa social media tungkol sa isang matandang sugat at galos sa katawan ang inabot matapos itong maaksidente.
Sa post ni Fe Alvarado Mullet, papunta siya ng ospital ng makita niya ang isang matandang nagpapadyak na si Norberto Loreto, isang senior citizen na taga Carmen Davao del Norte. Nag-alangan siyang sumakay dito dahil sa katandaan ngunit sa awa ay nagpahatid na rin siya sa matanda.
"Kawawa 'yong matandang nagpapadyak na nasakyan ko kanina dito sa may Carmen District. Nagdadalawang isip din akong sumakay kasi matanda na siya at nagmamadali rin ako,"
Ramdam ni Fe na hirap na sa pamamasada at di na halos kaya ng kanyang lakas ang pagpapadyak. Hindi paman sila nakalayo sa biyahe, nahati ang bisikletang pinagkabitan ng padyak ng matanda na siyang dahilang ng pagkaaksidente nilang dalawa.
Nagtamo ng mga sugat at galos si Tatay Norberto sa kanyang mukha at ibang parte ng kanyang katawan.
"Pag-akyat namin sa paakyat na parte, pareho kaming nasubsob sa daan kasi naputol ang dinadrive niyang bisikleta. Nilapitan kami ng mga tao kasi na gitna kami ng kalsada,"
Nagtamo ng mga sugat at galos si Tatay Norberto sa kanyang mukha at ibang parte ng kanyang katawan.
Dito rin napag-alaman ni Fe na wala ng pamilyang inuuwian ang matanda, wala rin umano itong permanenteng pwesto kaya't kung saan-saan nalang ito natutulog pero madalas siyang nakikita sa palengke.
"Nasa Carmen Hospital din siya ngayon. Awang-awa ako kasi wala na siyang asawa at mga anak, nauna ng pumanaw. Sa padyak nalang din niya siya natutulog,"
"Sorry Tay 100 lang talaga maibigay ko ngayon kasi may pasyente din po ako. Kung sino man sa inyo ang pwedeng makatulong kay Tatay. Naaawa ako,"
Kahit pa kasalukuyang may dinadalang problema ang pamilya nila Fe dahil nasa ospital din ang kanyang ama, hindi niya iniwan at basta tinalikuran nalang ang matanda at personal niyang ihiningi ng tulong dahil ayon sa kanya wala na itong kakayanan at wala rin niisang kamag-anak na pwedeng tumingin sa matanda.
Aniya pa, mag-isa nalang si Tatay Norberto kumpara sa kanila na buo pa ang pamilya, mahirap man ngunit nakakaraos at nakakahanap parin naman sila ng paraan sa pinagdadanang problema.
"Ang sarap sa pakiramdam na nakakatulong, kahit pa may pinagdadaanan din kami kasi nasa ospital si papa ngayon. Pero okay lang, kasi si papa andito pa kami mga pamilya niya na tutulong si Tatay wala dahil mag-isa nalang,"
"'Wag po kayong mag-alala sa mga itinutulong niyong pera, hindi ko po 'yon nanakawin. Kahit pa kinakailangan din namin. May iba na mga negative comments, nasasaktan ako sa mga nababasa ko, hindi ko nalang din tinatapos dahil masakit,"
Habang nasa ospital, wala rin daw ibang iniisip si Tatay Norberto kundi ang nasira niyang padyak. Pinoproblema din niya ang kanyang pangkain kaya't gusto na umano nitong maghanap buhay para may makakain.
"Iniisip niya ang kanyang padyak baka daw nakawin. Iniisip din niya kanina na mamasada muna siya para may maipambili siya kahit sabaw lang dahil sa pa siyang tanghalian,"
"Pa-spread naman ako sa post na'to baka meron pa siyang mga apo o kaya mga pamangkin,"
Matapos lamang ang ilang oras ng pagpost ni Fe tungkol sa kahabag-habag na pinagdadaanan ng matanda, bumuhos ang mga biyaya mula sa mga taong may magagandang kalooban ang naghatid at nagpaabot ng mga tulong pinansyal para sa pagpapagamot kay Tatay Norberto at iba pang mga pangangailangan nito tulad ng pagkain, maayos na mahihigaan at pangpaparepair sa kanyang nasirang panghanapbuhay na padyak.
Umani rin ng paghanga at papuri si Fe sa kanyang taos pusong pagtulong sa taong hindi naman niya kilala. Marami ang saksi sa pagiging mabuting tao niya, na kahit maging siya ay may iniinda ring karamdaman at ang pinagdadaanang sakit ng kanyang ama na nasa-ospital rin.
"Kung iisipin niyo lang, kumare at kaibigan ko si Fe Alvarado Mullet, kung alam niyo lang ang pinagdadaanan niya ngayon, meron din siyang sakit at ang kanyang ama. Humahanga ako sa kanya kahit pa sa mga pagsubok na pinagdadaanan niya tumutulong parin siya.
"Kaya sa mga taong nagsasabing sca mmer siya, tigilan niyo na yang mga pinagsasabi niyo, mahiya naman kayo siya nga yung may sakit na, siya pa yung nagmamalasakit para sa iba," komento ni Ysabella, malapit kaibigan at nakakakilala kay Fe.