Larawan mula kay Yan RB Avilo |
Trending sa social media ang post ng isang netizen kung saan ay ibinahagi nito ang kalagayan ng isa nilang kaklase na nagsusumikap makapagtapos sa pag-aaral kahit na putol ang dalawang braso nito.
Kumurot sa puso ng mga netizen ang mga larawan ng lalaking ito na makikitang nagsusulat sa pisara at sa kanyang kuwadreno gamit ang kanyang mga paa.
Isinilang man na walang braso, patuloy parin ang pagpupursigi ng estudyanteng ito na mula sa paaralan ng Ballesteros Central School (BCS).
Nakaka-bilib mga ganitong klaseng tao na kahit sobrang hirap ng sitwasyon ay pinipilit parin na maabot ang mga pangarap.
Larawan mula kay Yan RB Avilo |
Ayon sa post ng isang netizen na si Yan RB Avilo, si Dabbay ang nagiging inspirasyon at modelo ng lahat ng magaaral sa kanilang paaralan dahil sa ipinapakita nitong determinasyon para maabot ang kanyang mga pangarap.
“Siya po ang isang naging inspirasyon namin sa paaralang (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL dahil ipinapakita niya na kahit anong hirap ng buhay nya ay pumapasok sya kahit may kapansanan.” ayon kay Avilo
Naniniwala din si Avilo na kayang lagpasan ni Dabbay ang mga pagsubok na kanyang haharapin at sabay-sabay umano silang magtatapos sa pag-aaral.
“Alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos… kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay,” saad ni Avilo
Basahin ang buong post ni Avilo sa ibaba:
“Kahit gaano kahirap ang sitwasyon niya pinipilit parin nya makapagtapos ng pag aaral.
Larawan mula kay Yan RB Avilo |
“Dahil di daw hadlang ang kapansanan nya kaya sya nagsusumikap makapagtapos ng pag-aaral. Alam namin kapatid kaya mo yan kaya samasama tayong makakapagtapos, kunting kembot na lng makakamit din natin ang tagumpay.
Larawan mula kay Yan RB Avilo |
“Siya po ang isang naging inspirasyon namin sa paaralang (BCS) BALLESTEROS CENTRAL SCHOOL dahil ipinapakita niya na kahit anong hirap ng buhay nya ay pumapasok sya kahit may kapansanan.
“Hindi hadlang ang kapansanan o hirap ng buhay para hindi makapagtapos ng pag-aaral patuloy kang magsumikap para makamtan mo ang yong pangarap sa buhay
****
Source: Facebook